Huling Hiling

54 1 0
                                    

Napagkasunduan na tayo ay magkita sa tagpuan

Mayroon kang ipagtatapat akin na hindi ko alam

Naisipa'y ito na rin ang tamang pagkakataon

Na aking ipagtapat ang katotohonang matagal na ibinaon.

Hindi malaman kung paano ba sayo ay sasabihin

Dahil ang buhay, kapag natuldukan, mahirap ilihim,

Ngunit nang ikaw ay magpaalam, mas mahirap tanggapin,

Lalo na sana ako sayo ay may aaminin.

Siguro kapag sinabi ay wala na ring saysay,

Itatago na lamang at maghandang mamatay

Sapagkat wala ng silbi ang nalalabing buhay,

Kapag walang sasangga sa hangin,

Kandila ay mabilis ding mamamatay.

Kaya't sa  huling gabi ng ating malungkot na pagsisintahan

Tuparin mo sana itong aking huling kahilingan

At samahan mo ang aking huling pagtanaw sa pagsikat nang araw

Habang sa iyong kandungan ako ay dahan-dahang papanaw...

dawn017

Huling HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon