Hey Mom

882 63 88
                                    

A Mother's Love is patient and forgiving when all others are forsaking, it never fails or falters even though the heart is breaking.

- Helen Rice

********************

"Hello?" bungad ko kay Dianne nang makita kong tumatawag ito.

["Are you ready, girl?"] maarte naman nitong tanong sa'kin.

Nanlaki yung mata ko nang maalala ko na mamaya na pala yung party niya. Sh*t!

Isa si Dianne sa mga famous sa school namin –mayaman kasi eh. At ang swerte ko dahil naging kaibigan ko siya.

["Hey Beth?"]

"O-oo naman," sagot ko na lang sakanya.

["That's good. Wear your killer swimsuit ha. Bye!"] sabi lang niya at pinatay na yung tawag. Geez! Wala pa akong gagamitin mamaya! May pool party kasi sa mansion nila kahit wala namang okasyon.

Inilapag ko yung cellphone ko sa higaan ko at dali-dali akong bumaba. Nakita ko naman si Mama na nagbabalot ng kung ano-ano sa lamesa.

"Asan na yung pera kong hinihingi?" bungad ko kaagad sakanya sabay palad ko.

"Gising ka na pala, anak. Kumain ka na muna oh." Alok naman niya sa'kin na may matatamis na ngiti.

"Yung pera yung tinatanong ko, Ma!" inis na sabi ko dito. Ang layo ng sagot niya sa tanong ko! Bwiset! May pa-ngiti-ngiti pa siyang nalalaman. Tsk!

"Wala pa eh, anak. Naningil kasi si Aling Nena para sa upa natin kaya binayad ko na muna yung perang kinita ko." Paliwanag niya habang naka-tingin sa'kin.

"Ano? Ang tagal-tagal ko ng sinasabi sayo na kailangan ko ng pera, diba? Peste naman oh!" walang galang na sagot ko dito tsaka ko siya tinalikuran.

Padabog akong lumabas sa letcheng bahay na yun, hindi ko na din pinakinggan yung sinabi niya. Bwiset na buhay! Bakit kasi naging mahirap pa kami! Ano na lang ang sasabihin sa'kin ng mga kaibigan ko? Ayaw kong malaman nila na mahirap pa sa daga ang buhay ko!

Nadatnan ko naman sa harap ng tindahan ni Aling Baby yung mga barkada kong sila Joel, Trisha at Jack. Umupo ako kaagad sa tabi ni Joel at kumuha ng isang stick ng yosi na hawak niya.

"Busangot ka na naman. Nag-away na naman kayo ni Aling Rose noh?" tanong ni Trisha.

"Nakaka-inis kasi eh! Hanggang ngayon wala parin yung perang hinihingi ko sakanya!" sagot ko dito sabay buga ng usok na nanggaling sa yosing hawak ko.

"Intindihin mo na lang." Napataas naman yung kilay ko sa sinabi ni Jack. Anong sabi niya? Intindihin? Na naman?

"Intindihin? Sawang-sawa na kong umitindi, Jack!" naiinis na sagot ko dito. Letche! Lagi na lang!

"Hindi ka ba naawa sa nanay mo, Beth? Hindi mo ba nakikita yung mga ginagawa niya para sa mga luho mo? Isipin mo naman yung Nanay mo bago yang mga kaartehan mo sa buhay!"

Napatayo naman ako sa sinabi niya. Umalis nga ako sa bahay para hindi marinig yung mga sasabihin ng Nanay ko tapos ngayon dinaig pa niya ang isang babae sa kakabunganga sa'kin!

"Wala kang pakialam kung sino oh ano ang uunahin ko, Jack! Hindi ikaw yung nasa kalagayan ko kaya wala kang alam!" sigaw ko dito. Hinawakan naman ako sa balikat ni Joel na parang pinipigilan ako. Letche! Nakakainis

"May alam ako, Beth! Nakikita ko araw-araw kung paano paghirapan ng NANAY MO yung mga binibigay niya sayo! Gumising ka nga sa ilusyon mo. Sa squarter ka lang nakatira kaya wag kang umakto na para kang isang prinsesa oh milyonaryo! Ilagay mo sa lugar yung sarili mo!"

Hey Mom ♡ [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon