Chapter 2

212K 4.8K 361
                                    


C2: The Vikings

🥀

4th YEAR college na ako. Kakasimula lang ng school last week. Pero pakiramdam ko, ngayon pa lang ako papasok. Tinanong ko muna sina Mama kung papayag ba sila bagaman batok lang ang natanggap ko kay Ma. Pinagalitan pa ako kasi bakit daw hindi ako nag-oo agad kay dean! Tinanong pa nga niya kung nasaan daw napunta ang utak ko at kinailangan ko pang kunin ang pagsang-ayon nila. Malamang yes daw ang sagot nila kasi makakalibre daw kami sa tuition ko at may pa-libre na ring baon.

Nirerespeto ko naman kasi ang desisyon nila kaya tinanong ko muna sila, syempre! Kaso talaga si Mama, nakakaimbyerna rin 'yung nanay kong iyon. She didn't even consider the fact that their decision is more important than mine. Tss, si mama talaga.

Kahapon, nag-impake na ako ng mga gamit ko. At kahapon, nilisan namin ng mga kasama ko ang probinsya para pumunta dito sa Maynila. Ang drama pa ni Mama habang tinutulungan akong mag-impake. Napahagulgol pa talaga siya nung aalis na ang van na maghahatid sa amin.

Pagdating namin dito, ginayak kami ng ilang staffs sa dorm ng mga babae. Nauna nang sinabi ni Dean na dito kami maninirahan kaya hindi na kami nagugulantang. Libre na rin ang tubig at kuryente na sagot na ng paaralan.

May pinaalala si Dean sa amin. Ang sabi niya, hindi raw malalaman ng mga students sa Weston University na hindi kami galing sa mayaman na angkan kung hindi namin sasabihin. Confidential raw ang impormasyon tungkol sa hindi namin pagiging mayaman. It's more like she's saying that it's up to us if we tell the elites that we're not rich like them and accept mockeries from them, or, keep our state confidential and avoid further conflicts that might happen which of course would lead us into ruins.

Lunes ngayon. At sa halip na ang gate ng St. Thomas ang kaharap ko tulad ng nakasanayan, ang pangalan ng Weston University ang nakatapat sa mga mata ko.

"Huy Za! Ano pang tinutulala mo jan? Halika na at pumasok na tayo!" Excited na tawag sa akin ni Trixie. Tipid akong tumango saka sumunod sa kanila. Napaawang ang labi ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob.

Ang laki. Ang lawak. At tatak mayaman.

Napatingin ako sa paligid at nakitang ilan sa mga estudyante ay nakatingin sa amin na para bang napulot lang kami sa kung saang lupalop at dinala dito. Yung tingin nila sa amin para bang nawawala kami. Yung iba naman ay walang pakialam sa presensya namin. Ang kaninang nakatingin sa gawi namin, nag-iwas ng tingin.

Huminga ako ng malalim. Tama ba itong pinasok ko? Is my decision right?

Kumuyom ang kamao ko. It has to be. I'll make sure of it.

Hindi naman hadlang ang hindi pagiging mayaman sa estado ng talino ko. Hindi pera o ano mang kayamanan ang basehan ng pagiging matagumpay sa buhay. Nasa puso ito. Sa isip. At sa dedikasyon. Ang mga 'to ang meron ako.

A few staffs came to meet with us. They showed us the way to our prescribed classrooms. Masaya ako kasi kasama ko sa klase si Julius. At least hindi ako mag-isa. Sa next schedule ko naman sa afternoon, kaklase ko si Trixie sa dalawang subjects ko.

Umpisa pa lang pero mukhang mapapasabak na agad ako.

Natapos ang unang subject namin kay Sir Ed. Criminal Law. Sinundan ito ng next subject namin na Political Science. May ibang hindi namin napag-aralan sa subject ni Sir Rey na Pol-Sci pero advanced din kami sa ilang topics.

Pumorma ang isang ngiti sa labi ko nang marinig ang pagtunog ng bell.

"Huwag niyong kalilimutan ang nalalapit na festival sa school. Maghanda na ang mga participants. Go take your break, good bye class"

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon