Chapter 2

41.7K 1.3K 35
                                    

C H A P T E R 2

Hunter Carlson

This was a tiring day.

Tinutop ko ang aking noo at bahagyang hinilot-hilot iyon. Halos ilang araw na punung-puno ang sched ko sa dami ng mga meeting. I am not complaining, though. More clients meant more money. My business would always come first. I was thinking of expansion abroad. Kung mas marami akong investor na ma-i-invite sa negosyo, mas maisasakatuparan ko ang pangarap kong iyon sa lalong mas madaling panahon.

Nang tumunog ang phone ay naputol ang aking pagmumuni-muni. Tamad kong sinagot iyon lalo pa nga't halos alas nueve na ng gabi. Kain at restroom lang ang aking naging pahinga sa maghapon. It was indeed exhausting. All that I wanted to do was sleep.

Sir, may naghahanap po sa inyo, bungad kaagad ng aking sekretarya.

Agad akong napakunot-noo.

At this hour?

"Sino raw?"

Mrs. Vanessa Romualdez daw po.

Vans? What the hell was she doing in here?

Mariin akong napapikit sabay hugot ng malalim na buntong-hininga. Kahit na wala ako sa mood makipag-usap ay mukhang wala rin naman akong pagpipilian.

She's the wife of my favorite investor. Halos kaedaran ko lang siya, pero ang napangasawa naman niya ay doble ang edad sa kanya. It was all clear to us that she married him for money. Though, she's one hell of an actress and she acted naturally around him. Like she was madly in love.

"Let her in," sabi ko sabay baba sa phone.

Saglit kong inayos ang aking coat at dumiretso nang upo. Nang magbukas ang pintuan ay agad akong nag-angat ng tingin. Agad kong nasalubong ang magandang mukha ni Vanessa.

She was no doubt a very beautiful woman. Sa unang tingin ay aakalain mo siyang modelo sa isang magazine.

Tall, slim, sexy and beautiful. She's everything I would want to ravage on my bed.

Hindi na rin kataka-takang kung bakit halos mabaliw ang matandang asawa sa kanya. Ang tipo niyang babae ay ang ipaparada mo talaga sa mga kaanak at kaibigan.

"I am so sorry for disturbing you, Hunter... I know it's a bit late..." malungkot pa niyang bungad sa may pintuan.

"No problem, Vans. Come in, please," pormal namang sabi ko sabay saglit na tumayo at itinuro ang upuan malapit sa aking table.

Kagat-labi siyang lumapit sa akin at halos mapamura ako sa ikli ng kanyang suot. Oh damn, she'd make it hard for me. I had no sex for almost two weeks. Sa totoo lang ay wala akong naiisip ngayon kundi iyon. I wanted a good and rough sex to completely relax myself.

"Anything I can do for you, Vans?" pormal na tanong ko sabay muling umupo.

"Am I at the bad timing?" Para bang naiiyak pa siya.

"No... I'm almost done here. May problema ba?" Mataman ko siyang pinagmasdan sa mukha at hindi nga nagtagal ay umiyak na siya sa aking harapan.

I almost rolled my eyes when I saw tears streaming down her face. Hindi dahil sa naaawa ako.

I hate dramas.

I didn't think I was in the position to give advice, especially, when it's not on my cards. Alam ko namang walang kinalaman sa negosyo ang ipinunta niya rito.

Tamad akong tumayo sa swivel chair at umikot sa kinauupuan niya. Panay pa rin ang pag-angat ng kanyang balikat habang humahagulgol. Hinagod ko ang kanyang likod at mas lalo pa siyang napaiyak.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now