I'd Lie

290 8 20
                                    

A/N: This story is dedicated to FallinAngelle request niya kasi ito. Hope you like it girl.. ehehehe (cross fingers)

I'd Lie by: Taylor Swift

It's been 4 years since I like this guy name Blake. He is my classmate and a close friend. 

Tatlo kaming magkaka-ibigan ako si Blake at Archie. Nagkakilala kami noong first year Higschool pareho kasi kaming walang mga kakilala sa school kaya ayun kami ang nagkasama hanggang ngayon na 4th. year highschool na kami.  Alam ni Archie na gusto ko si Blake pero palagi kong idinideny yun sa kanya. Takot ko lang na malaman ni Blake noh! Alam ko naman na hindi na niniwala sa akin si Archie sa tuwing tinatanong niya ako kung may gusto ako kay Blake at ang sagot ko ay isang malaking WALA!

Nakakatuwang isipin na ang crush mo ay classmate at kaibigan mo, at yung malapit kayo sa isat-isa. Pero ang masakit hanggang magkaibigan lang kayo hindi mo masabi-sabi na gusto mo siya dahil baka magbago pagtingin niya sayo.

Kung ikaw papipiliin sasabihin mo ba na gusto mo siya kahit na may chance masira pagkakaibigan nyo O mas pipiliin mong e lihim nalang ito kahit na parang sumasabog na ang puso mo? 

Nakita kong papasok na si Blake sa room namin. Ayan na ang buhay ko, ang mundo ko, ang nagpapahinto ng oras ko, at ang aking inspiration ang nag-iisa kong crush na si Blake. Ang gwapo talaga ni Blake sa paningin ko although gwapo naman talaga siya mapa side view man, back view o front view, I LOVE YOU BLAKE yan ang sinisigaw ng puso ko. 

"Kikay" tawag sa akin ni Blake as he enter our room. Tumabi agad siya sa akin since seatmates naman kami.

"Oh Blake bakit?" 

"May notes kaba sa Math pahiram naman oh, may quiz daw tayo today hindi pa ako nakakapg-aral."

"Oh ito mag-aral ka muna" inabot ko sa kanya yung notes ko, since tapos na akong mag-aral ka gabi. Eh ikaw ba naman ang insipred syempre mag-aarl ka talaga.

"Salamat hah, ang bait mo talaga" sabi niya sa akin sabay kurot sa magkabila kong pisngi.

"Arrraaaayyy, ang sakit" sabi ko sabay tanggal ng kamay niya. Nginitian lang niya ako. Sanay naman ako sa ngiti niya kasi palagi ko iyong nakikita pero bakit kinikilig pa rin ako sa tuwing ngumingiti siya... HAAAAAYYY! =__= inikot-ikot ko nalang yung buhok ko sa may gawing ibaba nito para hindi niya mahalata na kinikilig ako.

"Kikay, pano ba 'to?" tanong nya sabay turo nang sample problem na nakasulat sa notes ko.

"Ahh, yan ba ganito lang yan oh.........!@#$#%&^^*^%$" Tinuroan ko siya kung pano e solve yun. Pero ang po-potek ng mga ka-klase ko distorbo.

"Aheeem, Ummm" 

"Ayeeeeeeehhhh. Ang sweet nilang dalawa"

"Ayeeeeeehhhh.. Oiii"

"Hoy magsitahimik nga kayo, tinuturoan ko lang." Sabi ko na nakakunot nuo.

"Oy, masyadong defensive." pang-aasar ng isa kong kaklase.

"Oo nga Kikay ang defensive mo, ayan tuloy nag muka kang kamatis ang pula ng muka mo." pang-aasar pa nong isa.

"Kikay ang pula pula mo." Sabi ni Blake na naka-tingin sa akin.

"SInong hindi pupula sa galit? eehh ang di-dirty minded ng mga unggoy na 'to" ayaw na ayaw ko kasi na ina-asar ako lalo na kay Blake baka mahalata ni Blake na gusto ko siya.

Tuned Up (Music Inspired Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon