Chapter2

965 19 14
                                    

*Printed Version available for pre-order. Just message me here or on my facebook page. See my profile for links*

CHAPTER 2

Excited at kinakabahan si Heiley habang lulan siya ng van papasok sa villa ng mga Santillan. Isang napakalaking karangalan para sa management ng D Elite na pinaunlakan sila ng mailap na angkan. Nagulat pa nga ang management nang personal na pumunta roon ang panganay na tagapagmana para ipaalam lamang na pumapayag ang pamilya nito na itampok sa susunod na isyu ng magasin.

Hindi niya aaksayahin ang pagkakataong iyon kaya pagbubutihan niya ang trabaho.

Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya nang huminto na ang sasakyan. Kinakabahan siya sa napipintong pagkikita nila ng maselang si Zeck.

Heiley, just relax...

Inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili pero parang mas lalo pa atang nadagdagan ang kaba sa dibdib niya.

Bahala na!

Nang bumaba sila ng ilang staff na kasama niya ay sinalubong sila ng mga katulong. Nilibot niya ang paningin pero ni isang pagkakamalang miyembro ng pamilya ay wala siyang nahagilap. Bigla siyang nadisappoint. Hindi makatao ang mga Santillan. Iyon agad ang konklusyong nabuo niya.

Ganoon na ba kahirap salubungin ang bisita?

Kung sabagay, hindi naman sila panauhing naimbetahan. Mga hamak lang silang mediamen para pag-aksayahang i-welcome ng matatayog na Santillan.

Hindi pa man nakakadaupang-palad ang mga ito hindi na niya gusto ang uri ng inasal ng angkan. Naturingang pinoy hindi hospitable!

Nawala ang pagkairita niya nang papasok na sila sa mansyon. Bumalik kasi ang kaba sa dibdib niya.

"Sino po sa inyo si Miss Conteza?" pukaw ng isa sa mga katulong.

"A-Ako iyon," nangingiming sagot niya.

"Sumunod po kayo sa akin."

"S-Sandali. Paano iyong mga kasama ko?"

"Susunod ho sila sa akin," singit ng isang katulong.

Nagtaka man ay nagpatianod na lang siya. Dinala siya ng sinundang katulong sa isang malaking silid-tulugan. Napasinghap siya nang ihayag nitong iyon ang magiging pansamantalang silid niya habang nanunuluyan doon. Oo nga pala. Ideya ng angkan na doon sila mamalagi habang ginaganap ang panayam kaysa gumastos pa raw sila sa hotel.

Nang ilibot niya ang paningin sa buong silid ay namangha siya sa laki at ganda ng mga kasangkapang naroon. Mas maganda pa ang silid na iyon sa silid ng mga hotel na natulugan na niya kaya binabawi na niya ang nasabi kanina.

Ang mga Santillan ay hindi lang hospitable. Ubod ang pagka-hospitable!

Palabas na ang katulong pero hindi pa rin siya makapaniwala. "Wait!" Agaw niya sa atensyon nito na agad namang lumingon. "Kalapit silid ko ba ang mga kasamahan ko?"

"Ipagpaumanhin ninyo, Miss Conteza pero hindi ko po alam ang isasagot sa inyong katanungan. Sumusunod lang ho kami sa utos. Kung hindi ninyo mamasamain, maiwan ko na po kayo." Hindi na nito inantay pa ang reaksyon niya. Agad nitong sinara ang pinto.

Kibit-balikat na lang niyang sinimulan ang pag-aayos ng gamit. Hindi naman pala ganoon kasama ang mga Santillan. Marahil, abala lang ang mga ito kaya hindi sila nasalubong. Napansin din niyang tila magagalang ang mga naninilbihan sa pamilya. Hindi niya nakitaan ng pagkatakot sa amo ang mga iyon na karaniwang nakikita niya sa mga naninilbihan sa ilang mayamang angkan na tinampok sa D Elite. Lalo tuloy siyang nanabik na makilala ang bawat miyembro.

MANIPULATED LOVE AFFAIRWhere stories live. Discover now