Devin High

13.7K 108 12
                                    

XxX Devin High XxX

Written By: wannabeangel

All Rights Reserved 2012 ©

'A story where there is no escape...But to fall inlove..'

[The Mission]

"Dad! Ayoko ngang mag transfer dun!"

"Son! I demand you! Mag ta-transfer ka dun sa ayaw at gusto mo!"

Nagulat ako dun. Is he implying that i won't have a choice? "Bat niyo pa ako pinapatransfer sa ibang school eh andito naman yung Sherlock High at pagmamay-ari pa natin?!"

"As I said earlier, You have a mission there."

"Mission to find someone? I'm sure i can find a person without entering that academy."

Hinilot ng tatay ko ang sentido nya. He knows he's having a hard time convincing me to transfer into that school. "Kailangan mo pumasok dun. Mahirap hanapin ang taong to. Di mo siya mahahanap kapag di ka mag ta-transfer sa school na yon."

"Dad, are you really serious? I'm already third year this coming school year. I've already build my connection here. Paano mga barkada ko dito?"

"Don't worry son. Dark and Vladimir will also be transferred into Devin High so that you won't be completely alone there."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. "What the hell!! PATI BA NAMAN MGA KAIBIGAN KO IDADAMAY NIYO PA SA TRIP NIYO?!"

"Hero Alexis, calm down! Hindi ito basta-basta na trip. Alam natin na willing yung mga kaibigan mo na samahan ka magtransfer dun."

"Siyempre willing sila dahil magkakaibigan kami! Pero hindi ako willing mag transfer sa school na yon. That school sucks!"

"And how will you prove that Devin High sucks kung di ka papasok dun?" He smirked.

Damn. This old man is really persistent. I slightly disheveled my hair. "Basta! Okay na ako sa Sherlock High! Ayoko magtransfer sa ibang school."

"Anak, magpapasalamat ka din saakin kapag nahanap mo na ang taong to."

"Obviously, kayo ang magpapasalamat saakin kapag nahanap ko na yung taong pinapahanap niyo." Tinalikuran ko sya at nagsimula ako humakbang paalis. "Wala akong pakialam sa taong pinapahanap niyo. Kung sino man yan. I will find that person without entering Devin High." I don't really care but i am determined to find that person just to prove him that i can do it.

Bubuksan ko na sana ang pintuan para lumabas nang nagsalita ulit sya. "I see... Pano kung sasabihin ko sayo na ang pinapahanap ko sayo ay yung Red Angel?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Kaagad ako huminto sa paghakbang at nilingon siya. "What did you say?"

My dad smirked. "Si Red Angel ang hahanapin mo sa Devin High. She's entering there based on our investigation. So... ano? Mag ta-transfer ka na? At kapag nahanap mo na siya.. You can ask for anything."

Tinalikuran ko na siya at naglakad ulit.

The Red Angel? Kung sinabi niya kaagad kanina kung sino ang pinapahanap nya, edi sana di na tumagal ang pangungumbinsi niya sakin.

I smirked. "Deal!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Malapit na matapos ang KANS kaya sisimulan ko na to. Pagod na ako gumawa ng mga pure romance story hahahaha. Gusto kong mag try ng adventure at school life and gangster churbah XD

Sana subaybayan niyo to :D

Devin High [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon