Chapter 17

59 0 0
                                    

Lei's POV

Haay nandito ako sa playground. At nagulat ako sa nakita ko. HINDI KASI AKO MAKAPANIWALA! O___O

May kasama sila. Apat nga sila e. Si Jan, si Alex, si Lacey at si JIN. Nasabahay sya kanina ah! Bakit di ko alam na umalis sya =\\\

Pero hinihingal pa ako kaya di ako makasalita.

"ATE LEI!!!" ---si Jan. Tumakbo sya tapos Hinug nya ako.

"Bakit ka po andito?" --Jan.

"E kasi akala ko kayong dalawa lang ni Alex ang nandito. Kinabahan talaga ako." Tapos niyakap ko ulit sya. Super natatakot ako e.

"Ay kanina tatlo lang po kami. Pero biglang dumating si Kuya Jin"--Jan

"Okay sige. Uwi na tayo please." Nakaupo ako, yung hindi nakadikit yung pwet sa sahig kasi para medyo mababa ako.

"Bakit po?"--Jan

"Sige na please. Please. Jan. Please :'(" Naiiyak na ako. Natatakot ako e.

"Ate, wag ka iiyak. Sige uwi na tayo. Pero wag ka iiyak ha." ---Jan tapos pinunasan nya yung cheeks ko kasi may luha pala di ko alam.

"Okay. Hindi ako iiyak." Ngumiti ako."Uwi na tayo ha :)"

"Okay Ate, tawagin ko lang sila ha."---Jan

"Sige. Samahan na kita." Tapos humawak sya sa kamay ko at naglakad palapit sa kanila.

"Alex! Uuwi na daw tayo! Lacey, uwi na kami ni Ate."---Jan

"Lacey halika sabay na tayo sa kanila. Nasa bahay pa nila yung bag ko e."---Jin

"YAY!! Sabay tayo Jan! Pupunta kami sa inyo kasi nandun bag ni Kuya!" ----Lacey

"ATE LEI!!"---Alex. Tiningnan ko sya.

"BUHAT!" ---Alex. Natawa naman ako pero binuhat ko sya :))

"Halika na! Jan, dito ka sa tabi ko ha. Wag kang magulo. Sa tabi lang kita ha." 

"Opo ate!"---Jan. Pero kasabay nya maglakad si Lacey, kaya si Jin dun sa tabi ni Lacey para napapagitnaan namin. Tapos may buhat pa akong cute na bata :)

At ayun naglalakad na kami pabalik sa bahay.

At nung nasa bahay kami, ayun pinagtawanan nila ako. Excluding Mom, Tita Elle and Tito Mar. Pero nagsmile lang sila sa 'kin

"Ayy nako Lei. Gusto mo lang makasama si Jin e" ----Haley

"Oyy hindi! Akala ko kasi silang dalawa lang."

"E hindi mo hinintay yung sasabihin ng Tito mo. Ayan tuloy, nagpagod ka pa kakatakbo!"--Hiro

"eehhhhh!! kasi..."

"Osya Lei, magpahinga ka na. Aalis na kami. Basta bukas, prepare na lang daw for a graded recitation sa History. Bye" ---- Haley

"Ay sige, teka wait. Ma! Hatid ko lang po sila sa labas."

"Sige. Mag-iingat ka ha."--- Mom

Lumabas na kami sa bahay then hinatid ko sila palabas ng village.

"Oyy Ingat kayo ha!"

"Sure, Lei! Bye!" At ayun umalis na sila.

Ngayon naglalakad kami ni Hiro pabalik maya-maya lang ay maghihiwalay na kami nito kasi dun sya sa kabilang street.

"Lei, ano problema?"---Hiro

"Hmm? Bakit? May nangyari ba?" 

"Ay nako. sige magpanggap ka pa. Feel mo di ko alam kung anong nangyayari. Syempre nafeel kong may mali, di ka naman kasi iiyak ng basta-basta e." HIROSHI ARATA!! Bakit hindi ko magawang maitago ang mga problema ko sa'yo??! BAKIT IKAW LANG NAKAKAHALATA???!!

"Halika, sabihin mo na habang malayo pa tayo sa bahay mo." Well, to be exact nasa playground kami. 

DEEP BREATH.....

"So? Bakit ganun ang takot mo nung malaman mong nasa playground si Jan?"

"Hiro naman, di ko na ieexplain lahat, kailangan ko ng umuwi agad. For my safety din 'to. Kaya ganun nalang ang reaction ko kanina kasi, Alam ko kung anong kayang gawin ng kalaban namin. Kaya nilang patayin si Jan inorder na pumayag ako. Di ko din alam kung gaano kalaki ang kasalanan namin basta ang alam ko lang, pwede nila kaming ipapatay. Kaya di ko sya maiwan kasi natatakot din ako." Huminga na naman ako ng malalim, Pati si Hiro, napabuntung hininga na din.

"Salamat kasi nasabi mo sa 'kin. Ihatid na nga kita, baka kung ano pa mangyari sa'yo e." Napangiti naman ako then umuwi na kami. Hinatid nya ako gate then pinauwi ko na din sya at pumasok na ako sa loob ng bahay.

"Ma, asan po si Jan?"

"Natutulog sila ni Alex." O-kay! Safe sila. :)) "Ahhh Lei, halika."

"Bakit po?"

"May sasabihin ako sa'yong importante. Tama si Tita Elle mo, kailangan mo din malaman." *gulp* pero isa lang ang nasabi ko..

"Alam ko na po ang lahat. Narining ko kanina. Naiintindihan ko po." Kitang-kita sa mukha nilang tatlo ang pagkagulat. Then paalis na ako ng bigla akong tawagin ulit ni Mama.

"Yun ba ang dahilan ng pag-iyak mo kanina?"

"Opo. Sige ma. Akyat na po ako sa kwarto. Mag-aaral pa ako." Aalis na talaga ako kaso bigla naman ako tumigil kasi si mama biglang may sinabi...

"Lei, mukhang isa na lang ang paraan para maligtas ko kayo." O__O Huh?? May way pa?? Kaya heto ako, humarap muli sa kanila at tinanong ng..

"Ano po yun?? Sabihin mo ma. Gagawin ko? Pakasalan ba kung sino mang lalaking yun, gagawin ko ma para maligtas kayo. Ano po ba yun??" 

Huminga si Mama then nabigla ako sa sinabi nya.....

"Kailangan nating umalis ng Pilipinas."

Gorgeous Cinderella (HIATUS)Where stories live. Discover now