Imperfect Fairytale (One Shot)

181 10 2
  • Dedicated kay Lexie Denniece
                                    

ETO NA!

First One Shot Story ko to! hehe sana magustuhan niyo.... wala kasi akong magawa nito sa classroom kaya nagsulat nalang ako.........

Kung anu-ano nga naman ang nagagawa ng boredom noh?!

oh sha! yan na!
Vote nalang kau at commment ^_^v

************************************************************************************************************

At first, I believe in the saying that “fairytales do come true”. I was able to feel, express and enjoy the meaning of love.

Naranasan kong kiligin kahit sa isang text lang niya, maiyak sa bawat surpresa na ginagawa niya, mapangiti sa tuwing nagpapakatanga siya sa harap mo para lang mapatawad mo siya, matuwa sa mga regalong binibigay niya sa tuwing monthsary niyo, mapapaamo ka niya sa isang yakap niya lang at higit sa lahat, sama-samang kilig, tuwa at ngiti kapag hinalikan ka na niya.

Lahat-lahat yan ay naranasan ko na at higit pa dyan.

Nung umpisa, akala ko mahihirapan kami pag sinagot ko siya kasi wala naman akong alam sa mga ganitong bagay pero napatunayan niya na sabay naming susuungin bawat pangyayaring mararanasan namin.

“Hindi naman natin maiiwasan na pagtumapak tayo sa isang relasyon, may masasaktan, mahihirapan at may gusto nang sumuko pero hindi lang naman isa sa kanila ang dapat lumaban. Sabay dapat silang lumaban para matapos yung paghihirap. Alam kong iniisip mo ngayon yun pero resposibilidad kong sabayan ka sa lahat-lahat.

Yan ang mga salitang nagmula sa kanya na tumatak sa puso’t isip ko.

As time passes by, many struggles pushed through us but the both of us were able to overcome each and every one of it.

Every smile, every laugh, every hug, every kiss was now a part of me that is stuck in my heart.

A heart that is now functioning for another person. The person that showed me how to believe that everything happens for a reason. But now, that heart became a shattered one………………

“Tama pa ba tong ginagawa natin Lexie?” tanong niya sa akin.

“Huh? Ang alin?” naguguluhan na kasi ako.

“Ito. Tayo. Para kasing hindi na tama eh. I’m sorry if I’ll say this pero………………………………………………….. I fell out of love. Hindi ko to ginusto, maniwala ka sa akin. Lexie, MINAHAL kita, totoo yun. Hindi ko rin mapaliwanag kung bakit ganito na yung nararamdaman ko sayo. Every minute, it lessens. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba to o hindi pero sa tingin ko, oo.”

“Na-Naiintindihan ko, Juwan. Hindi na-naman kita masisisi kung ganun yung nangyari eh” umiyak nalang ako saka yumuko.

“Patawarin mo ako, Lexie. Sorry” hinalikan niya ako sa noo at umalis na.

Imperfect Fairytale (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon