Tulang Mukhang Ewan

355 3 0
                                    

Heto ako nakikinig ng musika,

Nag-iisip kung anong ibibigay sa 'yo.

Kaya naisip kong gawan ka ng tula.

Sana 'di ka magsawa sa mga tula ko.

Isa lang naman ang nais kong sabihin,

Gusto ko lang ipabatid na mahal kita.

Alam kong madalas kang mainis sa 'kin.

Sa totoo lang nakakainis naman ako, 'di ba?

'Kaw na sana makakasama ko habang buhay.

'Yon ang dalangin ng aking puso't isipan.

Kapag nagbibiro ako 'wag ka sanang magtaray.

Pero cute ka pa rin kahit kilay mo'y nagkasalubungan.

Tanging hiling ko sa 'yo aking sinta,

Dito ka lang sa aking tabi, 'wag mo akong iwan.

'Di ko makakaya kung ika'y mawawala,

Mas gusto ko ng mamatay 'pag ika'y lumisan.

[December 22, 2008]

Mga TULA ni POLENGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora