Chapter 43: Siobe vs Caela

5.9K 222 164
                                    

~43~

Friday

9:00AM

"Ahhh!"

Mabilis na inabot ni Hiro ang isang unan at itinakip sa buong mukha. Only to realize—habang nagpupumilit na bumalik sa pagtulog— that he forgot to close the window blinds last night before going to bed. He was too tired to notice. Masyado niyang siniseryoso at personal na tinututukan ang itinatayong negosyo na kung minsan ay nakakaligtaan na din niya ang maraming bagay katulad ng pagsarado ng pintuan, pagkain sa tamang oras o kahit ang simpleng pagbalik ng takip ng Nutella pagkatapos niyang papakin iyon.

Hiro groaned as if in pain. He knew that he can't go back to sleep no matter how much he tried. Kasabay ng pagkaramdam ng munting hapdi sa balat dala ng kasikatan ng araw ay susuroy-suroy na tumayo ang binata mula sa pagkakahilata sa kama. Nilapitan niya ang bintana at hinila ang kurtina upang takpan ang liwanag na pumapasok sa silid.

"Pahamak ka naman eh, nawalan na tuloy ako ng ganang matulog," inis na bulong niya bago tinungo ang kusina upang kumuha ng orange juice sa ref at dinala sa lababo.

Nakasanayan na niyang gawing pangmumog ang orange juice bago mag-almusal. Hindi niya alam kung kailan niya eksaktong nakuha ang naturang habit ngunit ang huling memorya niya niyon ay noong magkaroon siya ng sore throat at nirekomenda sa kanya ng kanilang family doctor ang orange juice na mainam na panlaban sa bacteria. Hindi na niya nakuhang kunin iyon sa sistema at nakasanayan nang gawin tuwing paggising sa umaga.

Panlaban sa panis na laway, ngising saad niya sa utak habang nagmumumog.

Nang matapos sa routine ay muli niyang binuksan ang ref upang ibalik ang juice saka kinuha ang karton ng fresh milk at isang mansanas.

Ang sarap sanang magjogging nito, whew. Ayain ko kaya si Siobe? Kaso baka may klase.

Pabagsak siyang umupo sa couch sa living room at inabot ang iPhone.

Noon niya lang naalala na may isang mensahe pala siyang galing kay Charlotte na nakalimutan niyang basahin. Binuksan niya lang iyon nang matanggap niya ngunit hindi na inabalang basahin ang laman. Masyado siya kasing nainis noong hindi nito sinagot ang mga tawag at text niya dito.

Charlotte:

Hello po. ^_^v sorry po sa paglalayas

kgbi. Gus2 rw po manligw ni Mar10.

D ko pa po alm kng ano issgot ko :/

sbi po ni Mama, bgyn ko rw po chans.

Aun. Enge po ako payo ^_^> ano po

ggwin ko? Hehe.

"Shit. Jejemon ba 'tong babaeng 'to?" malakas na reklamo niya habang iniintindi ang text sa kanya ng dalaga.

Matagal siyang nakatitig lang sa cellphone habang tila tangang binabasa ang text ni Charlie.

"Kag... bi? Gus... Gus? At sino si... Mar... io? Aaaahhh! Ano'ng klaseng text 'to?!" saad niya at matunog na ipinatong ang cellphone sa mesita.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon