prologue

1.4K 28 10
                                    


〰️

IBINABA ni uncle Earl ang kamay at tinitigan lang ako. Kabado akong nakamasid sa kanya, at sa lahat ng nasa loob ng conference room ng sandaling iyon.

I met eyes with Ethan, and he smiled encouragingly at me. Kahit papaano ay nabawasan iyong kaba ko.

Then my eyes shifted towards Eros. He simply nodded but that made my poor heart swell. Suddenly, nakahinga ako ng maluwag. Gumaan ang pakiramdam ko.

And then suddenly, Mr. de Ramos, one of the board of directors present in the meeting, clapped his hands hanggang sa silang lahat na ang pumapalakpak. I can see how Ethan applauded vigorously, na parang tuwang-tuwa sya. He's so happy that my presentation turned out so well that I can't help but be merry, too.

Isa-isang nagsitayuan ang mga board members at nilapitan ako. They shook my hand and congratulated me. Shocked na shocked ako syempre pero hindi ko ipinahalata na kabadong-kabado ako sa kung ano ang kahihinatnan ng presentasyon ko.

"Congratulations, Serene. You never fail to make me proud." He engulfed me in a fatherly hug. I hugged the old man back.

My heart swelled upon hearing that from uncle Earl. Whenever he says that, nakakataba talaga ng puso. He always strike me as a father who is so proud of her daughter. At ako iyong daughter.

"Thank you po, uncle."

Natawa sya at ginulo ang buhok ko. "Hindi mo pa rin talaga sinasanay ang sarili mo ah. Dapat ngayon pa lang magpractice ka na na tawagin akong papa."

I blushed at that. Of course. He wouldn't miss a chance to tell me that.

"Papi, stop scaring Rene. Baka hindi yan sumipot sa kasal kasi ang weird-weird mo." Ethan jumped in out of nowhere at inakbayan ako.

Natawa kami ni uncle Earl.

"Hindi 'yan," uncle Earl replied. "Pupunta 'yan, diba, hija?"

Doon ako napaubo sa kakatawa. "Naman, uncle! Ni wala pa nga po kaming date! Hindi pa nga namin napag-uusapan," I answered honestly.

Hindi ko alam pero biglang nahilaw ang ngiti ni uncle Earl. Tapos ay unti-unting napakunot ang noo nya. The happy face of uncle Earl suddenly became confused, cold, and a hint of anger lingered on his face for a millisecond.

"Hanggang ngayon?" He asked incredulously.

"Ummh..." hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon kasi sa totoo lang, oo. Hanggang ngayon hindi pa namin napag-uusapan iyon ng anak nya.

"Pa, we'll work on it. Medyo busy lang kaming dalawa sa ngayon."

Agad na kumalas si Ethan sa akin nang sabihin iyon ni Eros. He was behind his father, looking so tall and gwapo, kaso nga lang ay nakatiim-bagang sya kaya medyo natakot ako sa anyo nya ng sandaling iyon.

"Uh oh. The real boyfriend's here," Ethan whispered, maybe to himself, kaso ay narinig ko iyon.

"Kailan?" Uncle Earl turned to ask Eros.

"Soon, pa. Kapag hindi na masyadong busy—"

"And when would that be, Eros?" Tanong ni uncle Earl. Mahina ang boses nito, siguro dahil may iilan pang mga board members ang nasa loob ng conference room ng sandaling iyon, pero ramdam ko ang diin ng pagsasalita nya.

Napakagat-labi ako. Eros on the other hand looked calm pero sa totoo lang ay para na akong nakakakita ng usok na lumalabas sa ilong nya. He seemed mad as his father asked him about those important details regarding our upcoming wedding— a wedding that is, and should be, important kasi kasal iyon. Kasal naming dalawa. Pero parang galit pa sya na tinatanong iyon ng papa nya sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

fake love | kth.Where stories live. Discover now