ChApTeR 02

2 0 0
                                    


IRENE'S POV:

"Sabina,wake up" dahan dahan kong iminulat ang mata ko at tumambad saakin ang pagmumukh ni Hichi.Pagmumukhang hindi mo aakalain na may kasamaang itinatago.
"Sabina babe,don't stare you might fallen" dahil sa sinabi niya ay agad kong naiiwas ang tingin ko sakanya.

He's Hichi the demon's son.Yes!siya ang lalaking papakasalan ko.

Inilibot ko ang tingin ko at napansing nasa teritoryo niya ako.

Demon's Impire........









"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko bago ibaling sakanya ang tingin na agad kong pinagsisihan.Mariin kong ipinikit ang mata ko tsaka yumuko.
"Ano ba Hichi!magdamit ka nga!nagfe-feeling macho dancer ka nanaman!kadiri!" Ngayon ko lang kasi napansin na wala pala siyang pang itaas na damit.feeling may abs!patpatin naman!

"Hoy Sabina!anong patpatin?!ang macho ko kaya!" Napa irap na lang ako tsaka mabilis na ibinato sakanya ang kumot na sobrang kapal..
"Aray!ikaw Sabina ah!nagiging sadista ka nanaman,halikan kita diyan ehngumuso pa siya na siyang ikina ngiwi ko.

     *Tok.Tok.Tok*

"Pasok!" Mabilis na nagsuot ng damit si Hichi ng makita kung sino ang kumatok.




Olivia.....

"Anong ginagawa mo dito Olivia?" Tanong ni Hichi tsaka nagmamadaling lumapit sakin at hawakan ang kamay ko."well I'm just visiting you darling.." Nawala ang ngiti niya at sumama ang tingin ng makita ako.

"Kaya pala nakaka amoy ako ng tao dahil andito ka Sa.bi.na." may halong inis ang pagbigkas niya sa pangalan.Tsk!

"Hhhhmm kaya pala nakaka amoy ako ng BASURA andito ka pala at dinadalaw ang FIANCÈ KO O.li.via." rinig  ko ang mahinang paghagikhik ni Hichi sa tabi ko na mas lalong ikinainis ni Olivia.

"Arrrgghh ang yabang mo Sabina!Sigurado naman ako na kung wala sayo ang royal blood eh hindi ka papakasalan ni Hichi!Tandaan mo Sabina isa ka lang na MORTAL na walang ALAM tungkol saamin!-------" napatigil si Olivia ng makita ang mga gamit sa loob ng kwarto ni Hichi na nakalutang.Malakas rin ang hangin sa loob na kung aakalain mo ay malapit ka sa isang ipo-ipo.

Signal #01

"Wag.na wag.mong tatawaging walang alam si Sabina dahil ikaw ang walang alam Olivia.Wala kang alam na sa isang pitik ng daliri ko ay maaari ka nang mamaalam sa mundong iyong ginagalawan" napaka seryoso ng boses ni Hichi,halatang seryoso siya sa maaari niyang gawin kay Olivia.

Mabilis na naglaho na parang bula si Olivia,mukhang natakot kay Hichi...

Bumalik na sa dati ang kwarto ni Hichi at hindi na rin malakas ang hangin dito sa loob.
"Sabina----"

"Alam ko Hichi...Alam ko naman na itong dugo ko lang talaga ang dahilan kung bakit kailangan nating magpakasal.................hindi mo na kailangan mag explain Hichi" napabuntong hininga na lang ako.

Itong dugo ko....

Ito ang dahilan kung bakit kailangan naming magpakasal ni Hichi,ayus lang naman kasi pareho itong pabor saaming dalawa.

Kakailanganin nina Hichi ang dugo ko para mas lalong lumakas ang kanilang hukbo at para maisara ang lagusan na nagdudugtong sa mundo nila at sa mundo ng mga RULES BREAKER.....

Ang mga Rules breaker pwede mo na silang ihalintulad sa mga Fallen Angels..sila ang mga demons na hindi sumusunod sa batas nila o mas kilala bilang mga rebelyon o mga demons na nag rerebelde.Kasali sa grupong ito ang mga soul eaters na matitigas ang ulo,mga excited na reapers which is isa kay kamatayan taga sundo kung baga,at ang panghuli ang demons comrades sila yung mga demons na walang katayuan sa buhay,sila yung mahilig magpakita at manakot ng mga tao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MARRYING THE DEMON'S SONWhere stories live. Discover now