10 : Couch

31.1K 796 77
                                    

Mula sa pagkakatayo sa veranda na konektado sa master suite room at sa guest room na inuukopa niya, nakita ni Sean ang paglabas ni Thera sa main door ng villa.

Sinundan niya ng tingin ang paglakad nito patungo sa porch hanggang sa gilid ng swimming pool. Pagkatapos suyurin ng tingin ang langit na hitik sa nagkikislapang bituin, naupo ito sa isa sa mga rattan lounge chair. Pasandal na naupo roon.

It was already past ten in the evening. At siguro kagaya niya, hindi rin makatulog ang babae.

Nagduda siya kung totoong may amnesia nga si Thera nang banggitin nito ang tungkol sa Mama niya kanina. But what happened hours ago made him think otherwise. He saw the guilt, disbelief and pain in her eyes. Those emotions were real and genuine. Na para bang hindi ito makapaniwala na ang sarili ang napapanood na nananakit.

Malalim ang buntong hiningang hinugot ni Sean nang makitang niyakap ni Thera ang sarili. When she rubbed her arms using the palm of her hands gustong talunin ni Sean ang veranda. Biglang bigla ay gusto niyang yakapin ang babae at i-share rito ang init ng kanyang katawan.

Iniwan niya ang veranda at nagdesisyong dalhan ito ng kape. Hawak niya na ang doorknob ng kwarto nang matigilan. Napapihit si Sean pabalik sa pinanggalingan.

Paanong naisipan niyang dalhan ito ng kape pagkatapos niya itong insultuhin kanina? Bumuntong hininga siya. Frustrated sa sarili.

Nang dumungaw siya uli para silipin ang babae, wala na ito roon. Papasok na siya sa loob ng guest room nang makita niyang nagliwanag ang katabing kwarto.

Mula sa kinaroroonan, nakita pa niya ang anino ni Thera. Ang ilang beses na pagpabalik-balik nito ng lakad. Tititig sa kama tapos lilingunin bigla ang couch.

Nakita niyang binitbit nito ang unan mula sa kama at ipinwesto iyon sa couch. Nahiga ito roon imbes na sa komportable at malambot niyang kama.

Pagkalipas ng ilang minuto, hindi na kumilos pa ang babae. But Sean stayed, pinagmamasdan ang bulto nito mula sa veranda.

Then he noticed, she left the lights on. He smiled a little without a bit of humor. Hindi ito nakakatulog kapag nakabukas ang ilaw, natatandaan niyang sinabi nito bago pa man sila ikasal.

November 15, 2009
Baguio City, Philippines

Mabilis na ipinasok ni Sean ang box ng mga libro sa backseat ng kotse niya. Nakaparada iyon sa harap ng Sean and Tan's. Nabili niya noong isang linggo pa ang mga libro, nabasa na rin ang ilan. Ngayon niya naisipang iuwi ang mga iyon at idagdag na sa koleksyon niya ng mga libro sa library ng villa kung saan siya tumutuloy tuwing nasa Baguio siya.

Kaninang tanghali pa malakas ang ulan at mukhang walang planong tumila. Nagpaalam na siya kay Miguel, ang kasalukuyang store manager na mauunang umuwi.

Mag iimpake pa siya para sa naka-schedule na biyahe kinagabihan. Ipinatatawag ni Mr. Hernandez ang buong board para sa isang meeting.

Patakbong bumalik si Sean sa loob ng Tea Caf para kunin ang gamit niya. Pinagpag ang suot na trench coat na bahagyang nabasa ng ulan. Nadaanan ng tingin niya si Thera na namumutlang nakapuwesto sa counter. Kausap nito ang dalawang babaeng iritableng nakikipagtalo sa dalaga. Natuon na sa mga ito ang atensyon ng ilang customers.

Pamilyar kay Sean ang dalawang babae bagaman hindi niya alam pareho ang mga pangalan. Sa DM University ang mga ito nag-a-aral, parokyana at suki ng Sean and Tan's.

"Grande nga ang sinabi ko 'di ba? Small size ang pi-nunch mo. God, pamali-mali ka, ano ba 'yan. Pagkatapos ano naman kaya ang ie-expect kong darating ngayon sa table ko? Latte imbes na amerikano? Twice ka nang nagkamali sa dalawang beses kong pagpunta rito ngayong linggo. Hindi ko alam kung nananadya ka ba o ano."

Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER/PREVIEW)Where stories live. Discover now