💛: Yung babaeng nakabangga ko

222 7 0
                                    

Seth's POV

3 years na nung naka alam ako ng balita kay kawi. 18 na kami ngayon, balita ko nandito daw sila kawi sa pinas kasi dito sya nagdebut. Gusto ko syang makita at mayakap pero sabi ni tita at ni mama na sa tamang panahon nalang daw. Aldub lang?

College na ako ngayon and inenroll ako ni mama sa AIS, Athena International School. Malaking school ito, pwede mag hide and seek. Bukas na ako papasok pero mamimili muna ako ng mga gamit ko kaya pupunta ako sa bookstore. "Ma alis na po ako" nagbless muna ako kay mama at nagpaalam, "Eto anak oh. Ingat ka. Balik agad." Inabutan nya ako ng 5,000. Nagthank you ako at umalis na.

Naglakad lang ako kasi malapit lang yung bookstore sa subdivision namin, pero bago ako makalabas, may isang pamilyar na bahay ang nadaanan ko. Bahay nila kawi. Bumuntong hininga ako at pinipilit na wag lumabas ang mga luha ko. Ayoko umiyak dito. Tinitigan ko muna yung bahay, medyo luma na to. Maalikabok, sira na ang gate. Napagpasyahan ko na pumasok muna, wala namang multo dito, hindi ako takot. Pagbukas ko ng pinto, ang ingay ng pinto dahil luma na at di nalinisan. Biglang tumulo yung mga luha ko ng makita ang isang frame sa tabi ng lagayan ng dating TV nila. Picture namin ni Kawi. Umakyat ako sa taas at pinuntahan ang dating kwarto ni kawi.. napaiyak nanaman ako ng maalala ko mga memories namin dito, kapag may sakit sya dito ko sya dinadalaw, dito lagi nagtatago si kawi kapag naglalaro kami ng tagu taguan. Binuksan ko ang drawer na maliit sa may pinto, at doon, nakita ko yung picture namin nung una kaming magkita. Napaiyak nanaman ako.

Kawi, balik ka na.

Nandito na ako sa bookstore at pinunasan ko na ang luha ko na natira. Papasok na sana ako sa loob ng bookstore ng may makabangga akong babae, "Sumimasen?!" (Excuse Me?!) Uy. Japanese. Ayan nanaman. Pag tingin ko sa mukha nya-- wow. Ang ganda nya talaga. Parang pamilyar sakin na hindi ko alam kung sino. May kasama sya a babae. "Bhe tama na. Pinoy yan at di Japanese." Awat sakanya nung kasama nya, "Kuya sorry ah. Mauna na kami." Paalam nung kasama nya ulit pero di ko maalis yung tingin ko sakanya. Parang older version ni Kawi. Hindi kaya sya yan? Impossible naman. Cavite to, nasa Ibang lugar sila. Bago sila umalis, may sinabi yung nakabangga ko, "Jikai wa chūi shite kudasai." (Sa susunod, magingat ka) Ano daw? Di ko maintindihan. "Sorry po."



<Sa google ko lang po nakuha🤣>

The Forgotten Memory {KaoSeth}Where stories live. Discover now