CHAPTER 2

35 3 0
                                    

CHAPTER 2

 

S-siya? Bakit sya?

Habang nakatingin ako sa lalaking ito, bumabalik ang lahat ng alaala na matagal ko ng kinalimutan at ibinaon sa kadulu-duluhan ng puso ko. Bumabalik yung araw na nakilala ko siya, yung araw na minahal ko sya, at yung araw na nasaktan ako ng dahil sa kanya.

Hindi ko mapigilang hindi magalit pero kailangan kong pigilan ito dahil may ibang taong nakakakita. Nakakainis. Nakakainis dahil nagbalik sya, at pangalawa nakakainis dahil hindi ko pa rin mapigilang hindi kabahan kapag naririyan sya. Bumibilis yung tibok ng puso ko, yung halos hindi na ko makahinga?

Pero na kahit na ganon, hindi ko rin mapigilang hindi mapoot sa kanya.Ang lakas ng loob nyang magpakita sakin pagkatapos ng lahat ng ginawa nya. Akala nya ba nakalimutan ko na iyon? Wala na ba syang hiya? Sabagay, hindi nga sya nahiya na lokohin ako eh, pagkatapos lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya.

Nabalik lang ako sa realidad nung napansin kong nakatingin rin sya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, at itinuon ko ang aking konsentrasyon sa aming guro na ngayon ay nag-uumpisa ng mag-turo. Pero hindi ko nagawa. Hindi ko nagawang mag-concentrate ng maayos dahil alam kong nakatingin sya sa akin. Oo, alam kong nakatingin sya sakin dahil nakikita ko iyon sa gilid ng aking mga mata, at hindi ako tanga para hindi maramdaman iyon.

Maya-maya, maagang dinissmiss ng prof. namin ang klase nya dahil may aasikasuhin daw syang importante. Kaya ang nangyare, mamaya pang 3:30 pm ang pagpapatuloy ng klase namin sa kanya. 3 subjects na lang kasi ang kailangan kong tapusin ngayong 2nd semester. At yung tatlong subjs. na yun eh mga major subjects.

Lumabas na ko ng silid na iyon dahil hindi ko matiis ang presensya ng lalaking yon. Masyado syang masakit sa mata. At lalo lang nadadagdagan ang galit ko sa kanya kapag malapit sya sa akin.

Pumunta ako sa silid-aklatan ng paaralang ito upang doon magsayang ng isang oras sa bakante naming klase. Pumunta ako sa kadulu-duluhan ng library na ito, at doon naupo upang magbasa ng libro tungkol sa ekonomiya ng bansa.

Habang nagbabasa ako, alam kong may lumapit sa akin kaya ibinaba ko ang librong binabasa ko, at tumingin sa taong lumapit sa akin. Itinaas ko ang tingin ko sa taong iyon na sana hindi ko na lang ginawa. Siya? Siya na naman?

Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa libro upang maiwasan ang mga nakakasukang tingin na binibigay nya sa akin. Itinuon ko ang sarili ko roon na parang wala akong pakielam sa taong nasa harap ko ngayon. Bakit? Sya ba may pakielam sakin noong alam nyang naghihirap ako ng dahil sa pangloloko nya? Wala. Wala syang pakielam sa akin. Dahil makasarili sya. Sarili lang ng lalaking ito ang iniisip nya. Wala syang pakielam sa nararamdaman ko dahil kung may pakielam sya, hindi nya gagawin ang panglolokong ginawa nya sa akin noon.

Pero wala na akong magagawa dahil nangyari na ang nangyari na kahit kailan hinding-hindi ko o ng ibang tao kayang ibalik. Dahil ang nakaraan ay habang buhay ng mananatiling nakaraan. Para na lang bang history ng isang tao?

ARYANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon