A- Filipino

82 2 2
                                    

Akong umasa,
Alipin ng paniniwala,
Akin lahat ng pagdududa,
Ako pang masama sa iba.

Akala kong tunay na ginto,
Aba, tanso pala pagkatao!
Andaming puring nakukuha,
Abala pala sa pagkutya sa iba.

Ako, ikaw, lahat tayo,
Andaming pagkukunwari,
Abot-langit maskara ng pag-ngiti,
Alapaap pala ating tuntungan sa huli.

Letters of PainWhere stories live. Discover now