Prologue: Emerald

81 0 0
                                    

Prologue

Nakangiti akong bumababa sa hagdanan habang nagpapalakpakan ang mga tao sa baba. I'm wearing my red cocktail dress. It's my debut today kaya medyo bongga ang naging handaan namin.

"Happy birthday my dear!" naiiyak na bati ng mama ko.

"Si mama naman kung umiyak para akong mawawala," saad ko sa kanya habang niyayakap ko siya.

Lumingon naman ako sa aking lolo. "Happy birthday apo."

"Salamat po lo," sabay mano ko.

Nagsilapitan narin ang mga ibang kamag-anakan ko. Exclusive lamang sa family namin ang naging handaan. Wala ni isa akong inanyayahang kaklase at kaibigan.

Naging masaya ang sumunod na mga pangyayari. Kainan dito, sayawan doon. Lahat ay masaya at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil dinagdagan na naman niya ng isa pang taon ang buhay ko.

"Apo, pwede ba kita makausap?" mahinang saad ng lolo ko.

"Sige po lo."

Pumunta kami sa isang silid na napaka-importante sa kanya. Nandito kasi lahat ang mga ala-ala ng namayapa kong lola. Pagbukas pa lang ay makikita mo na ang napakalaking larawan na nakasabit sa may dingding. It is a self-portrait of my lola noong kabataan pa niya.

Sabi ng lolo ko ay kamukhang-kamukha ko daw ang lola ko. We have the same brown eyes. Magkapareho rin kami ng ilong na katamtaman lang ang tangos at mga labi na mapula-pula.

May kinuha ang lolo sa isang luma at gawa sa kahoy na cabinet. Nilabas niya ang isang maliit na baul na sa tantiya ko ay gawa sa ginto. "Regalo ko sayo apo," sabay bigay sa akin ng gintong baul.

"Ho?" hindi makapaniwalang saad ko. "Huwag na lo, masyadong mamahalin yata to. Baka masangla ko lang yan," biro ko na ikinatawa niya.

"Hindi naman yang baul ang regalo ko sayo kundi ang nasa loob. Syempre isasauli mo sa akin itong baul baka ano pang gawin mo dito."

"Si lolo talaga." Kinuha ko ang baul at binuksan, bumungad sa akin ang isang lumang kuwentas na gawa rin naman sa ginto. Namangha ako sa desinyo ng pendant nito.

"It's an emerald stone. Galing yan sa lola Emerald mo na iniregalo ng mga magulang sa kanya. And I want you to keep that."

"S-sigurado po kayo lo? Ipagkakatiwala niyo po ito sa akin?" Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

"Halika at isusuot ko sayo." Kinuha niya ang kuwentas at isinuot sa akin.

Pero ng hawakan ko ito ay bigla na naman ako nanghina. Nararamdaman ko naman ang mga boltahe sa loob ng aking katawan. Umiikot rin ang paningin ko.

Heto na naman tayo. Saad ko sa isip ko bago sumabog ang napakalas na liwanag.

*****

-LG-

01-21-19

Back In TimeWhere stories live. Discover now