Chapter 1

39 10 3
                                    

Ako nga pala si Zharmella Faye Salvador. 3rd year High School student sa pinakasikat na University, na ang Avanza University. 16 years old, simple lang kami at may kaya sa buhay.

Naghahanda na ako para bukas kasi First day of school na.

Habang naghahanda ako, may napansin ako sa isang sulok. Scrapbook? Ang laman nito ay mga baby picture ko at isang litrato ng lalaki na hindi ko kilala. Pano napunta doon yung baby ko pictures ko? Eh..tinago naman yun ah at wala akong maalala na gumawa ako nito.

Kanino kaya ito? Ngayon ko lang nakita toh.

"Anak, baba ka na, kakain na tayo." sabi ni mama.

Itatanong ko na lang kay mama kung bakit may scrapbook sa kwarto ko. At ni minsan walang binigay na scrapbook ang bestfriend ko pero wala rin naman siyang sinasabi.

"Anak, baba na, kakain na tayo." sabi ulit ni mama.

"Opo!" sigaw ko.

Tatawagan ko na lang si bestfriend pagkatapos kung kumain at tatanungin ko din si mama.

Pagbaba ko nakahanda na ang pagkain.

"Excited much lang ma?" tanong ko kay mama ng pabiro.

"Oo eh. Gutom na ang dragon sa tiyan ko." sarcastic na sabi ni mama. Tumawa na lang ako.

"Ba't ang tagal mo nak?" tanong ni mama.

"Ano ba yan ma. Miss mo na agad ako." sabi ko na naka ngiti. Binatukan ako ni mama. Aray ko ha, sakit nun ma.

"Ikaw ha! Tinatanong kita ng maayos, sumagot ka din ng maayos." galit na sabi ni mama pero yung vibes lang.

"Hihihi." asong ngiting sabi ko.

"Nag ayos lang ako ng mga gamit ko para sa first day of school." sabi ko. Ayan ma, maayos na yan.

"K." itong sumagot na ako ng maayos yan lang ang reply. -_-

Eh ano ba ang dapat sabihin ha Zharm? Very good Zharm? Mukha akong bata niyan. -_-

Habang kumakain ay naalala ko yung nakita ko kanina.

"Ahh..ma." alinlang sabi ko.

"Bakit anak, may problema ba?" concern na sabi ni mama.

"Wala naman po pero." putol ko. " Kanino po yung scrapbook sa kwarto ko? Baby picture ko yung nandoon at isang batang lalaki." sabi ko.

Nanlaki yung mata ni mama. Hindi yung malaki talaga ha na katulad sa Tarsier, haha! Katamtaman lang. Peace Tarsier.V

Bakit kaya? Hmmm...?

"Ba't nanlaki mata niyo ma?" tanong ko.

"Huh?.. wala, ano nga yung tanong mo nak?" wala sa sariling sabi ni mama.

"Kung bakit may scrapbook soon sa kwarto ko na nakalagay ang mga baby pictures ko at picture ng isang batang lalaki? Wala naman akong natatandaan na may nagbigay sa akin at wala rin akong ginawa." sabi ko with paliwanag.

"Huh? Patingin nga." Ay..si mama slow. Peace ma.V

"Teka lang pa at kukunin ko." hindi ko na hinintay ang sasabihin ni mama at dumiretso na ako sa kwarto ko. Kinuha ko na at bumalik sa kusina.

Binigay ko na kay mama at tiningnan niya lang at nagsalita,

"Baka sa pinsan mo 'to nak?" sabi niya.

"Wala naman ajong natatandaan ah." sabi ko.

"Pabayaan mo na anak, buti na rin at may nagbigay sayo. Kung kanino man to." sabi niya.

"Baka Stalker mo? Ayyyieeh!" sabi niya with matching kilig kilig at sundot sundot pa. -_-

******

Alexandreanne's POV:

Ako nga pala si Alexandreanne Valencia. 3rd year student din sa Avanza University. 16 years old. May kapatid ako si Ate Yen, single pa yan. May company kami sa New York. At bestfriend ko si Zharm or Zhimmer since bata pa kami.

Habang nag aayos ako ng gamit para bukas ay biglang tumunog yung Iphone ko, si Zhimmer.

Bakit kaya siya napatawag? Oh well...kaya nga tumawag para sabihin. Hehe!

*Phone Convo*

"Sis, may binigay ka bang scrapbook sa akin?" tanong niya.

"Wow! Wala man lang Hi o Hello o di kaya'y ano gawa mo? Nagmamadali?" biro kung sabi.

"Ok sige. Rewind!" sabi niya at ini off. Maya maya tumunog ulit.

"Hello Zhim! Kamusta ka na? May itatanong nga pala ako sayo!" hayy...lukaret talaga.

"Yuck! Hindi bagay yung pa sweet sweet. Pero pwede nang pagtiyagaan. Haha!" sabi ko. Haha!

"Ang sama mo!" sabi niya.

"Sagutin mo na Zhim." sabi niya.

"Meron pero nandito sa akin. Bakit?" tanong ko.

"So kanino tung scrapbook na may baby picture ko at picture ng isang lalaki?" tanong niya.

"Wala akong binigay sayo na ganyan. Yung tayong dalawa lang." sabi ko.

"Wala talaga?" paninigurado niya.

"Wala nga." sabi ko.

"Sabay tayo bukas papuntang school." sabi niya.

"O sige ba. Bye bye...mwuah mwuah, see yah tomorrow." pagpapaalam niya.

"Bye. See you din." sabi ko.

*End of Phone Convo*

Wala naman akong binigay sa kanya na scrapbook na ang nakalagay ay mga picture niya noong bata pa siya.

Batang lalaki?? Wala naman akong kakilala ah...

Except sa kababata namin....

************************************

Comment lang kung may mali at I would appreciate kung may Votes. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon