Meat Bread

37 2 1
                                    

Ally's POV

"Alliyaah! Bumalik ka dito! Lapastangan kang bata ka! Isinusumpa kita! Pinagsisihan ko ang araw na isinilang pa kita!"

"I love you too Ma!"- Sigaw ko at yumuko para makailag sa binato nyang tsinelas.

Tumakbo ako ng tumakbo.. Shet. Parang sa anime lang. Feel the moment mga paps!

Inayos ko ang strap ng bag ko. Magaan.

Ah, Btw. I'm Alliyah Walang Apilyedo. That's my full name. Alliyah W. Apilyedo.

At yung sumigaw kanina ay Mama ko. Achichi. Ganyan lang talaga sya maglambing kaya binato niya ako ng tsinelas.

Sa sobra niyang loving, napagdesisyonan kong maglayas. I don't deserve her love. She's just too good to be my mother. Haha.

Bad timing nga lang kasi hindi ako nakapaghanda. Buti nalang nakuha ko pa yung toothbrush at deodorant. Kaso walang toothpaste. Badtrip.

Nakauniform ako. Natatawa ako. Papasok pa ba ako? Naaaah. As if may ibubuga ako dun. Puro sakit sa ulo lang ang binibigay ko sa mga guro.

Tumigil ako sa paglalakad. Masakit na kasi yung paa ko. Deym. Napaupo ako sa isang bench malapit sa playground. Maglaro nalang kaya ako buong araw? Dito nalang din ako matutulog. Ayos.

Yumuko ako para maabot yung paa ko. Ang sakit sakit. Tinanggal ko ang sapatos ko. Hinimas himas ko ang paa ko. Buti nalang hindi mabaho.

"Masamang mag cutting"

"Anak ng--"Napatigil ako sa pagsasalita..

Katabi ko lang naman ang isang... NAPAGAKANDANG BABAE. ANG GANDA NIYA. TALBOG ANG BEAUTY NI APHRODITE. Jk lang. Jk yung pag compare ko sa kanya ni Aphrodite. Goddess yun. Pero, Ang ganda niya talaga.

Kumakain siya ng tinapay. Hindi lang basta bastang tinapay. Meat bread mga paps!

Kumalam bigla ang sikmura ko. Napapikit ako sa kahihiyan.

Hinimas ko ang tiyan ko. Baby naman, Ngayon pa talaga?

Hindi ako buntis ah. Baby lang tawag ko sa tiyan ko.

Kumain lang siya ng kumain. Ang sarap ng ismiran. Nagugutom na nga yung tao eh.

May kinalkal siya sa gilid niya. Hindi ko na kayang tignan. Wala naman akong pake.

"Here"-Sabi niya tas inabot ang isang supot. May 2 meat bread sa loob.

Sa sobrang gutom ko, Isinantabi ko ang pride ko. O kung may lason ba to.

Tinanggap ko, nagpasalamat ako at Nilantakan yung meat bread.

Shet. Ang sarap. Hmmn.

Naubos ko yung dalawang tinapay. Inuuhaw ako.

Saktong inabot niya ang isang bote ng mineral water.

Tinanggap ko yun.

Uminom ako ng uminom.

Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ko sa mata.. Inaantok ..ako?

Humikab ako ng dalawang beses. Pwedeng humiga sa lap mo miss? Natawa ako saglit. Anak ng. Hindi ko na talaga mapigilan.

Unti unti nang bumagsak ang mga mata nun. Who knows what would happen next?

Ang huli kong nakita ay ang babaeng maganda na parang sinasalo ako.

**

TEAM ANG (Timang)Where stories live. Discover now