Chapter 3

93 5 0
                                    

"Cassiel!" Kanina pa ako naririndi sa tawag ni Kuya Nikko. Can't he wait?

"Coming!" Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na 'yang nasabi sa kaniya but still he keeps on calling my name.

I put lipstick and I'm done. Inayos ko ang gamit bago kinuha ang bag. Hindi naman pwedeng magpakita ako sa school na hindi naka-ayos 'no. May image akong kailangan imaintain.

"Ang bagal huh," inirapan ko si Kuya Nikko. Since siya lang ang may 7:30 na class sa kanilang tatlo ay siya ang nakatokang maghatid sa akin.

I have my own driver naman but my parents prefer na ihatid ako ng mga kapatid. Kung sino ang may schedule na malapit sa schedule ko ay siya ang maghahatid sa akin.

"It's still 7:15, Kuya," oa naman ng isang 'to. Ang aga pa e.

"7:30 ang pasok ko," nanliit ang mga mata ko sa kaniya. Wala naman siyang pake sa oras ah but lately palagi niya akong pinapadali.

"May babae ka na naman siguro 'no?" Walang ibang eksplenasyon why he's rushing me unless makikipaglandian siya ng maaga sa school.

"I'm happy being single, Cassiel," ako pa lolokohin nito e. He open his car door for me. Mabilis akong sumukay. Binuksan ko agad ang cellphone to take a picture.

"You can't fool me, Kuya."

"I'm telling the truth, Cassiel Beatriz."

I was busy finding my angle kaya siya na ang nagsout ng seatbelt ko. After niya maayos, he close the door and went to driver's seat.

"I saw your instagram post. Who gave you that milktea?" I can't help but smile. Iniisip ko pa lang na binigyan ako ni Orion ng milktea ay hindi ko na mapigilang mapangiti.

Who wouldn't right? My crush gave me milktea. Ang swerte ko talaga.

"Orion. He's so sweet, right?" I open my instagram para makapag myday ng picture na kinuha ko ngayon lang.

Orion doesn't follow me on instagram. Siguro ay iyon ang next goal ko to make him follow me sa ig. Well, easy lang naman 'yon. I can ask Nix na kulitin si Orion na ifollow ako ako. Magpinsan naman sila kaya walang problema iyon.

"Bakit daw?"

"I don't know. Baka crush niya ako," natigil ako sa pagtipa sa caption ng my day ko dahil tumawa ng malakas si Kuya Nikko. "Why are you laughing?"

"You're out of Orion's type, Cassiel. And, Orion isn't the type of person who would give someone a drink. Baka nagiging delusional ka na naman?" Malakas kong hinampas ang braso ni Kuya. Nakakainis naman 'to e! Naninira ng memory.

"Nakakainis ka! Ikaw na nagsabi Orion isn't the type of person who would give someone a drink so why would he give me one?" Masama na ang tingin ko sa kaniya dahil nakakainis na siya. What a good way to ruin my day. Kainis!

"Malamang hindi iyon galing sa kaniya," pinaghahampas ko si Kuya.

"Sa kaniya nga! Kainis ka!" Nilakasan ko talaga ang paghampas sa kaniya but he just laugh. Ang sarap tanggalan ng dila! Hmp!

"Okay sa kaniya na," but he's still laughing. Masama ang tingin ko sa daan. I cross my arms. Sinira niya na ang araw ko amp!

"Ang cute naman ng kapatid ko," he tried to pinch my cheeks pero hinampas ko agad ang kamay niya.

"Galit na ang kapatid ko," hindi ko pa rin siya pinansin. Akala niya huh!

Sa kanilang tatlo si Kuya Nikko talaga ang mahilig na awayin ako. Palagi niya na lang akong iniinis kung hindi ko lang 'to kapatid baka pinabugbog ko na 'to.

Fou D'amourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon