3-new./kiss/

7.9K 367 201
                                    

“ pffftt.. PWAHAHAHAHAHA “

Bigla siyang natawa sa sinabi ko kaya halos maligo na ko sa laway niya. niyakap ko siya at siniksik ang mukha ko sa dibdib niya para mapunasan yung mukha kong puno ng laway niya

“ kadiri ka -_- pwede namang tumawa ng hindi naka tapat sa mukha ko eh “ nag pout lang ako at tumawa ulit siya

“ sinabi mo sakin na na-uutot ka, tinawag ba kitang kadiri ha? “

“ anong kadiri doon? Normal lang sa tao iyon no! “

Bigla na lang tumulo yung mga luha ko.

Hindi naman ako iyakin pero nahihiya na talaga ako sakaniya ng sobra. Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa sa kahihiyan, kasama ko pa siya sa dorm kaya araw araw ko siyang makakasama.

“ hoy.. umiiyak ka ba? “ pinunasan ko yung luha ko at sumiksik sa dulo. “ hala. Inaano kita diyan? “

Di ko siya sinasagot at pilit na lang pinapatahan yung sarili ko. Pero nagulat ako nang lumapit siya sakin at akbayan ako

“ ipag kakalat ko na umutot ka “ nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya

“ hindi naman ako um—“

“ ssshh. “ tinakpan niya yung bibig ko pero tinanggal din naman agad “ hindi ko iyon gagawin. Pero sa isang kondisyon “

“ a-anong kondisyon? “

“ pagbibigyan mo lahat ng 12 requests ko “

-------------------------------x

“ baaaaaeeeeeek! “ nakita ko si kyungsoo na kumakaway sakin kaya nilapitan ko siya habang hawak hawak yung tray ng pagkain ko

“ dito ka na kumain “ umupo naman ako agad at ningitian siya. nakita niya sigurong naghahanap ako ng ma-uupuan dito sa cafeteria. Wala kasi akong naging kaibigan sa nakaraan kong klase kaya wala akong kasamang kumain

“ hindi ka pa kakain? “ tanong ko kasi pinapanuod niya lang ako

“ mamaya pa. Hinihintay ko kasi si jongin “ tumango naman ako sa sagot niya

“ jongin? Yung roommate mo? “

“ oo at boyfriend ko “ nasamid naman ako sa sinabi niya kaya agad kong kinuha yung inumin ko

“ BOYFRIEND??!!! “ gulat na gulat kong tanong

“ oo bakit? “

“ hindi ba masyado pang maaga para magka boypren??! Nag aaral pa tayo! Diba dapat pag aaral ang inaatupag natin at sa klase lang natin binibigay ang atensyon natin??! Diba dapat saka na iyang boypren boypren na yan pag nakatapos na tayo ng pag aaral?! Pag meron na tayong magandang trabaho. Pag naka tulong na tayo sa magulang natin! Pag meron na tayong sariling bahay at komportableng buhay??!! “

Innocent Bacon. [ B A E K Y E O L ]Where stories live. Discover now