Simula

62 2 4
                                    

Ally's POV

"Anong kailangan niyo sa akin?"-napangiti ako ng mapait. Nangyayari din pala to sa totoong buhay. Ang makidnap kahit walang kwenta.

Sumulyap ako sa babaeng nagdala sakin dito.

Kumuyom ang panga ko. Ang tanga ko naman pala talaga.

Hindi siya mabait. May tinatago lang siyang baho.

"Sumali ka sa amin"-Kalmado ngunit malaawtoridad na sabi ng isang elementary student. Jk. Hindi siya elementary student. Maliit lang talaga siya.

Ngumisi ako. "As if may mapapala kayo sa akin"

Nagsalita ang isang lalaking nakatagilid sa akin. Tinatakpan ng buhok niya ang mata niya.. Kagat kagat niya ang isang toothpick.

"Kung sasali ka, kapalit nun ang tirahan, pera, Pag-aaral, Damit at iba pang basic necessities at miscellaneous fees na kailangan mo"

Woaaah. Really? Napaisip ako. Good idea.

"Hindi naman kami illegal"-Salita ng isang babaeng nakabraid.

Sinulyapan ko ang mga damit nila isa isa. Uniporme. Pero hindi lang basta bastang uniporme. uniporme iyon ng Mallard Academy. Ang pinaka sosyal na eskwelahan sa balat ng lupa.

Punyatera. Rich kids.

"Deal"-napangisi ako. This is life.

Wala akong pake alam kung anong kahihinatnan nito. If they're illegal, At makukulong ako, Maglalaslas ako para matapos ang paghihirap ko.

Sa kagustuhan kong mawala sa mundo, Pati si kamatayan, Natakot sa akin. I never had the chance to live. Why bother keeping this life?

Nagsuot sila ng... party hat? Nagliwanag ang buong lugar at kasabay nun ang pagsabog ng mga confetti..

"WELCOME ALLY! YOU'RE NOW AN OFFICIAL MEMBER OF TEAM ANG! (Timang)"

Oh great. Seryoso tapos ngayon, parang nasa children's party?

Ano ba itong pinasukan...ko?

**

TEAM ANG (Timang)Where stories live. Discover now