Chapter 5 - Greetings II ( Edited)

17.4K 416 6
                                    

NARRATOR'S POV

Mahimbing na natutulog si Kurt. Mula sa pagtulog niya hindi niya pa rin makalimutan na ang babaeng nagnakaw ng kanyang puso sa unang pagtagpo ay pinsan pala ng kumag niyang kaibigan.

"Jane.."

At nanaginip na naman ang malanding lalake. Napapaginipan nito ang kaniyang iniibig. Nasa point na sila kung saan inilapit na ni Jane ang kaniyang mukha at ganon din ang ginawa niya. Konting pagitan nalang at malalasap na niya ang pinakaaasam asam ng kaniyang puso.

"Mahal kita Jane"

Eto na ang pinakahihintay niya isang pulgada nalang at mahahalikan na niya ito, malapit na...

Splaaassh!

Napabalikwas si Kurt at mula sa pagkakagising at napasabunot nalang siya dahil basa ang kaniyang shorts.

" Fucker! Nagwet dreams ba ako?!"

****

(Flashback through dreams)

"uwaaaa! Uwaaaaa!"

Iyak ng isang sanggol.

" Hon!"

Inabot ng lalake ang sanggol sakanyang asawa.

"P-paano ka?! Delikado sa loob!"
Makikita mo ang labis na pagaalala sa mukha ng babae.

"Uwaaaaa! Uwaaaa!"

" Babalikan ko ang kambal! Ang importante makaligtas kayo! Umalis na kayo!"

* Baang! Baang! Baang! *

Nagising sa isang bangungot si Neil na may halong pagtataka. Hindi man niya maaninag ang mga mukha nila ay alam niyang hindi sila basta panaginip lamang.

Hindi makapag isip ng maayos ang binata, na kasalukuyang naka boxer lamang, dahil dito hindi niya napansin ang baldeng nasa paanan niya at natapakan ito.

" Fucking goodmorning damn!"

Great! Hindi lang sa basa ang kanyang paa, hindi pa siya makapagbihis at makaligo dahil sa paa niyang nasa balde. Napakamalas nga naman ng kaniyang araw.

Nagtataka man kung paano nagkaroon ng balde sa side ng kama niya ay hindi nalang niya ito pinsan. Napahilamos na lamang siya sa mukha nang mapagtantong hindi niya alam kung nasaan siya. Malas nga naman!

*****

Kanina pa gising si Mico, ayaw niya lang bumangon. Kagabi pa kasi niya iniisip kung sino ba talaga ang mga pinsan ni Ax at kung papaano nila nalaman ang mga impormasyon na iyon.

Babangon na sana siya ng - - - -

" FUCK sino naglagay ng balde ng tubig sa taas ko?!?"

At ngayon mukha na siyang basang sisiw, isang gwapo at matipunong sisiw. Makikita mo sa basa at malinaw na tshirt niya ang mga pandesal na kay sarap tikman.

Naisipan niyang lumabas at tanungin si Ax kung ganito ba talaga mag asikaso ng mga bisita ang pamilyang Anderson. Pero mukhang baligtad ang nangyare nang mabuksan niya ang pinto.

The Devil's Comeback.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon