Jail Love Story (One-shot story)

139 2 0
                                    

hehehe paborito ko na atang gumawa ng one shot stories well may bigla kasing pumasok sa isipan ko.. Naisip ko paano kung sa di inaasahang sitwasyon mo makilala ang first love mo at sa di inaasahang lugar kayo magkatuluyan gets?? hehe just read the story ^_____^ dinededicate ko po ito kay ate Deny kasi fan na fan po niya ako.. Grabe ang galing po kasi niya gumawa ng story.. :))

***

Naiiyak na ako dito ang dilim dilim hindi ko pa alam kung nasaan ako.. Ano bang pinasok ko?nakakainis naman may dala nga akong cellphone wala namang load at lalong wala pa akong number nila mama at papa.

Ako nga pala si Angela Mae Perez anak mayaman ako well naglayas ako. Kaya ngayon namomroblema ako hindi ko kasi agad naisip yung saying na "don't do actions when you can't take the consequences" aisshh meron ba nun nabasa ko lang yan sa scrapbook ng mga kaklase ko.

Lakad.

Lakad..

teka pakiramdam ko may sumusunod sa akin.. o baka talagang feelingera lang ako

Napabilis ang lakad ko pero after 10 minutes na pagtakbo.. oo tumakbo na ako kasi may humahabol sa akin nagtago muna ako sa likod ng basurahan dito.. eeeeehhh!! ANG BAHO NAMAN DITO!! malamang Angela basura nga diba basura! Baliw na ata ako kasi binabara ko na ang aking napakagandang sarili.. ^___^V

Pagkatapos kong magmuni muni lumabas na ako sa pinagtataguan ko kasi naman parang wala na yung nasunod sa akin. Naglakad ako papunta sa may shed kung yun nga ang tawag dun.

*pak*

*pak*

kanina ko pang hinahampas ang aking mga legs pano ba naman eh kanina pa akong pinapapak ng mga lamok

"Mis wag kang gumalaw" - biglang may nagsalita. Wow ha makapag utos ano siya hari

"Eh bakit hindi nalng ikaw ang wag gumalaw tutal ikaw naman nakaisip" sinabi ko yun ng hindi tinitingnan yung mama naramdaman kong may lumapat sa tagiliran ko OH NOES DON'T TELL ME!!

"HOLDAP TO!!" okay siya na ang sumigaw wala naman kasing tao dito. Stay focus Angela mag isip ng paraan

"Alam ko alam ko may baril ka eh malamang holdap nga to" woosh nasabi ko yan? tama kelangan ko siyang i distract habang nag-iisip pa ako ng paraan.

"Pilosopo ka ah Sabi ng HOLDAP TO EH!!" so tinatanong ko ba?

"So? Tinatanong ko ba sa tingin mo hindi ko alam anong tingin mo sa akin tanga? tanga? at bakit ka ba sumisigaw Proud ka paroud ka ha?!!" 

"Tumigil ka na nga sabing holdap to eh holdap!" halatang inis na si manong holdaper

"Ay paulit ulit ano ka unli? unli ka?" sarcastic kong sabi

"HOY LUMAYO KA SA KANIYA PULIS AKO!" oh thanks God may dumating akong savior

"Eh ano ngayon kung pulis ka mag-isa ka naman" sabi ni manong holdaper sabay tutok kay kuya ng baril

"OH EM!! magpapatayan ba kayo?" ang gaga ng tanong ko ano. well gusto ko lang umeksena

Ipuputok na sana nung mamang holdaper yung kaniyang baril ng pigilan ito ni kuyang pogi. ang pogi nung pulis mukhang bata pa. Aiiissttt ang landi mo Angela ang harot mo!!

Nag-agawan sila tapos may narinig akong putok galing sa baril nung mama..

~kruuu kruuu~

after the moment of silence bumagsak si mamang holdaper.

"OHM MY GOD NAPATAY MO SIYA!!" -me

"Malay ko bang mababaril ko siya nakipag agawan siya sa akin ng baril eh tapos kinalabit niya yung baril niya" wow ah ang macho ng boses ang pogi niya talaga bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.. Bakit kaya? siguro kinabahan lang ako

"Hoy taas ang kamay wag gagalaw" sabi ng mga pulis oo may dumating na pulis ganiyan naman lagi masanay na tayo kahit sa pelikula huling dadating ang mga pulis kung kelan talo na ang ang kontrabida.

Mukhang napasarap ako ng kwento dahil nandito na kami ngayon sa loob ng jail GOSH perst time ko dito kainis ayaw kasi nilang maniwala na holdaper yun at blah blah blah tapos si kuya na gwapo    eh hindi naman pala pulis Kainis!!

"Pasensiya ka na ha kung nadamay ka pa dito" -me

"Ayos lang buti nga naabutan kita eh" huh? ano daw?

"B-b-bakit kilala mo ba ako?" 

"Ahh oo eh schoolmate mo ako nakita kita kanina sa 7-eleven tapos ang lungkot mo ang dami mo pang dala kaya naisipan kong sundan ka" siya kaya yung? Oh MY!!

"Don't tell me ikaw yung sumusunod sa akin kanina?" bigla siyang ngumiti. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko

"Ahh oo pasensiya ka na ha nahihiya lang talaga akong lumapit sa iyo. Ano ba kasi ang nangyari?"

Kinuwento ko sa kaniya ang lahat lahat kung bakit ako lumayas at blah blah problems ko pa nakikinig lang siya habang nagkukwento ako. Maya maya may naramdaman akong yumakap sa akin

"shhh shh kaya mo yan ikaw pa, ikaw ata yung pinakamalakas at magaling na babaeng kilala ko sa school"

ewan ko pero napangiti ako sa sinabi niya

"ano nga palang pangalan mo?" hindi ko pa kasi siya kilala

"Edward" Cullen? hahah oo na corny na corny

"dapat di ka lumayas tamo napahamak ka pa hindi ko alam gagawin ko kung mawala ang pinakamamahal kong babae." anu daw

processing..

>///////< biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko di kaya i'm falling for him?

"ahh-ahhmm" okaya nag awkward

"can i court you?" woah >////< kakilig pero mas nakakakilig kung hindi kami sa jail nagliligawan noh

"Ayokong magpaligaw sa iyo!" sabi ko nalungkot naman ang mukha niya

"It's okay alam ko namang pabigla bigla lang ako"

"No! mahabang proseso kasi yung panliligaw kaya ayoko ng ganun" bigla siyang nagulat tapos napangiti

"SO does that mean na--"

"OO tayo na" sabay yakap ko sa kaniya alam ko mabilis pero yun ang nararamdaman ko eh

naputol lang ang sweet moment namin ng may umextra

"LAYA NA KAYO MAY NAKAKITA KASI SA WITNESS NG NANGYARI" ay kelangan sumigaw mamang pulis

"sayang type ko pa naman yung pogi may girlfriend na pala" sabay walk out nung pulis vaklush pala

Lalabas na sana ako ng jail ng halikan niya ako sa labi not just smack yung torrid talaga wala na akong nagawa nalunod na ako sa mga halik niya kaya we kiss passioately habang naghihiyawan yung mga pulis. Nang makabitaw na siya

"Gusto ko dito matapos ang jail love story natin" natawa nalang ako sa jail love story 

______THE END______

Jail Love Story (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon