Chapter Eleven.

1.1K 21 10
                                    

Sofia's POV



Pinindot ko na yung doorbell namin sa bahay.. 

Tulog na yata si manang, kinuha ko nalang yung susi sa bag ko. 

"Sofia, matagal pa ba yan?" 

"Demanding nito. Ikaw na nga pinapatulog ko dito sa bahay namin e. Kainis."

"So..Sorry. Inaantok na kasi ako e." 

Sabi niya habang pumipikit-pikit pa. Aww, naguilty naman ako bigla. :( 

Binuksan ko na yung gate at pinatong yung kamay niya sa batok ko. Gets nyo ba? Yung parang ginagawa sa mga lasing. Katulad niya. Yun yung ginawa ko. 

Ganun yung ginawa ko hanggang sa makaakyat kame. Partida babae ako. =)) Plus, payat pa. :( Pumunta ako dun sa guest room. Dun ko na siya pinatulog. Alangan naman sa kwarto ko, diba. -_-

Kaso naalala ko, diba sa mga palabas, parang kailangang punasan mga lasing? Basta, kung ano mang tawag dun. Hahaha. Eh kaso nahihiya ako :( 

Okay lang kaya kahit wag na? 

Ah, alam ko na. Bibigyan ko lang siya ng isang t-shirt. Meron akong org shirt, malaki siya sakin baka kasya na to sa kanya.. 

Niyugyog ko si Patrick. Nakahiga na kasi eh. 

"Patrick, uy. Kunin mo tong shirt ko. Palit ka muna." 

Niyugyog ko siya ng niyugyog. Then, I gave up. Pagod yata to. 

Nung tatayo na ko, hinawakan niya yung kamay ko. 

"Ikaw nalang magpalit sa'kin." Sabi niya in a low and husky voice. :"""""""""> Killiiiigg. 

Ay ano ba yang kalandian mo Sofia. :|

"U-u-uhhh, k-kaya mo na yan." 

Bat ako nags-stutter? -__- Ano ba yan. Mukha tuloy akong tanga. 

"Please? Hindi ko magalaw katawan ko eh." 

"E-eh. Sige na nga." 

Pano ko ba to sisimulan? >/////< 

Tinaas ko yung shirt niya. Oh, good Lord. Why are you doing this to me. =))) 

Gusto kong pumikit kasi, ANG HOT NIYAAAA. OMG, 6-PACK ABS COME TO MAMA. 

Ay ano ba yan, Sofia. Mga pumapasok sa isip mo. Erase erase! -_-

Nahubad ko na yung shirt, I don't know how I survived. Hahaha. Sinuot ko na yung shirt niya. 

Tapos tumayo na ko.. 

"Sofia, thanks. I think I'm starting to like you." 

Sabi niya ng nakapikit. Actually, kanina pa naman talaga siya nakapikit eh. 

Ano dawrawdawrawdaw? Hindi ko narinig yung huli eh. Like lang yung narinig ko? Ah basta, hayaan na. It's been a long day. Gusto ko na matulog. 

"Good night, Patrick. :)"

Tapos pumunta na ko sa kwarto. 

THE NEXT DAY



Nagising na ko dahil sa liwanag ng araw.

Pagkamulat ko ng mata ko..

"Ay palakang shokla!!" Pagmumukha lang naman ng isang gwapong nilalang ang bumungad sa'kin. 

Teka, si Patrick to ah. 

"Mukha ba kong palaka? :(" 

"Hindi, joke lang. Bat naman kase 3 inches away lang yang mukha mo sa pagmumukha ko?"

He turned away shyly. May tinatagong kilig pala tong lalakeng to? 

Bakit kaya? 

"A-a-ah. W-wala yun. Baba ka na. May breakfast na dun." 

"Okay, kumain ka na?

"Oo, sabay kami ni manang. Alam niya na rin kung bakit dito ako natulog."

"Ah, good. Sige. Sunod ka nalang sa baba."

Bumaba na ko. Wow! Sarap. <3 Tuyo tsaka salted egg with kamatis. Tagal ko nang hindi nakakain nito eh. 

"Oh. Good morning, iha. Gwapo naman pala ng boyfriend mo eh. Di ka nagsasabi."

"Manang? Di ko boyfriend yun. Sino may sabi?"

"Ano ka ba. Okay lang sakin, di ko sasabihin sa mga magulang mo."

"Hay nako, manang. Di ko talaga boyfriend yun."

"Sabi ni iho, boyfriend mo daw siya eh. Ano nga ulit pangalan nun?"

Ano dawwwww? Sabi ni Patrick boyfriend ko siya? >///< Kikiligin na ba ko? Hahahaha.

"Patrick po. Sige po, kain muna ko."

Pagkatapos ko kumain. Pumunta na ko ng kwarto ko. Nandun si Patrick. 

Tinitignan niya yung box of memories namin ng ex ko.. 

Ang Boyfriend Kong Campus Crush.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon