FOUR

20 3 0
                                    

Chapter 4 : Sana may magpakita para makahaplos man lang ako..

Alice Park POV

Pa-twetams akong naglakad papuntang school, ang sarap ng tulog ko! 

Anong meron at may police car at ambulansya sa loob ng school? 

Nakita ko si Mr . Janitor ghost na nagma-mop ng sahig sa may hallway... 'Morning manong janitor...' then i giggle, pero tumingin sa aken si manong janitor ng masama... Napaatras ako tuloy

tas naglakad ng mabilis... 

Pagdating ko ng locker area ay chismisan na naman pero this time hindi tungkol sa aken... Isang himala to, hindi lang ata human shelter against ghost si Icen pati sa bunganga ng mga buhay ata affected.

'Totoo ba na patay na si Andy?'

'What? diba sya ang Top 1 sa school na to!'

'Yup, not bad for a Social Care Group. .'

Hanggang sa hallway to the classroom ay yan ang usap-usapan. Andy Garcia, that's her name sya ang top 1 sa school nato at gaya ko ay galing din sya sa Social Care Group pero hindi ibig sabihin nun ay close na kami, minsan ko lang ata sya nakausap. Yon yung time na nabunggo ko sya habang dala nya ang notebook ng mga classmate niya. Parang ganun sa aken since galing din sya sa social care.. Tumatakbo kasi ako nun pano naman kasi yong janitor ng school na matagal ng patay e hinahabol ako ng mop na hawak niya.

'So pano sya namatay?'

'Suicide daw!'

'O.M. baket?'

'Sa music room daw sya namatay, tumalon sa bintana!'

'Baka naman nahulog. Maganda naman sya, smart and friendly kahit na galing sya sa social care.'

'Well...she's poor!'

'Ano naman mali kung mahirap siya?' duh?!'

'Walang mali my dear but alam mo naman na may ranking sa school na to when it comes to wealth status, at ang mga nasa Social Care ang nahihirapan... You know, descrimination.'

'Well, wala silang magagawa, hindi naman natin kasalanan kung baket mahirap sila!'

Until sa recess ay tungkol parin sa pagkamatay ni Andy ang usap - usapan.... Her body is found sa gilid ng buiding, mukhang gabi ng mamatay eto. Well, wala akong kinalaman jan kaya lets go and find my Human Shelter.

'Icen Yang!!!' Tawag ko kay Icen sa dating inuupuan niya palage.....mag-isa syang nakaupoi. Well, that's good for me! Umupo ako sa tabi niya at umakbay sa balekat nya and then sumandal.... Lumingon sa aken si Icen kaya eye-to-eye kami ngayon. At nagets ko gusto nyang sabihin, umayos ako ng pagkakaupo at lumipat sa tapat nyang upuan. 'Akala ko ba pwede kitang hawakan kahit kelan ko gustuhin?!' reklamo ko. 'Baket may multo ba na nangugulo sayo ngayon?' tanong nya sa aken... 'wala' mahina kung sagot. 

I Can Feel You ONHOLDONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon