ONE

29 2 0
                                    

Chapter 1 :  Tumalksik pa ata laway mo.

 

 

Alice Park POV

 What's between life and death?

Sa tanan ng buhay ko hindi ko natanong yan sa sarili ko hanggang sa naaksidente ako. Sa tingin ko hindi nagflash lang man sa utak ko ang past o future gaya ng sabi nila.., kundi natanong ko sarili ko kung ano nga ba meron sa pag-gitan ng mga buhay at patay. Hindi ko alam kung nasagot ko ba yong tanong kung yon dahil parang isang panaginip lang lahat ang nakita ko maybe it was really a dream, isang panaginip kung saan hindi ko ako nagising.

'Hiro...eto slurpee mo, strawberry flavor!' inilapag ko sa table yong slurpee at umupo sa tabi niya. 'Wala man lang thank you?' sabi ko sa kanya kung saan ngumiti lang siya sa aken bilang sagot. Nasa cafeteria ako ngayon since 30 minutes ang break bago matapos ang recess namen. 'Favorite mo talaga ang strawberry noh!!! Magbayad ka naman minsan.' ngumiti uli sya sa akin bilang sagot. Habang iniinom ko yung slurpee ko ay may mga napapatingin sa table ko at biglang magbubulungan at tatawa bigla.

'Look at her..she's talking by herself..'

 

 

 

'She's getting worse.'

 

Mga dinig ko na sinasabi nila sa aken... Well, hindi ko sila masisi, normal people wont understand me. There are things that only i can see. My world is different from them, mine is.... it can be scary sometimes. Yes. i can see ghost and yes i'm freaking scared of them, sino naman kaya matutuwa kapag nakakakita ka ng multo? Sa mga napapanuod ko sa TV ang cool daw pag nakakakita ka pero neknek nila hindi nila alam pinagsasabi nila. Loner ako sa school parang outcast nadin, pero kahit na ganito ang situwasyon ko sa skul ay hindi ako binubully. May mga takot sa aken dahil nakikita nila ako na kausap ko daw sarili ko. People thinks i'm crazy. Pero hindi ko na lang pinapansin mga sinasabi nila sa aken di gaya ng dati, nasanay nadin kasi ako. 

Habang inuubos ko yung slurpee ko ay lumapit sa akin si Sarah na may dalang tray ng pagkain. Umupo sya saglit sa tapat ko at tumingin sa slurpee sa gilid ko. 'Si Hiro?' tanong niya sa akin. Nagnod ako sa kanya at nag smile. Alam ni Sarah na nakakakita ako ng multo at naniniwala siya na nakakakita talaga ako. Sarah is a good girl, mabait yan. Sya lang siguro ang kaibigan ko sa school nato. 'Mukhang favoritre nya talaga ang strawberry ha..' sabi niya sa aken sabay tingin sa slurpee ni Hiro. 'Lagi ngang nagpapabili nyan ng kahit ano basta strawberry...Hinaharas ang bulsa ko.' tumawa lang si Sarah sa sinabi ko kung saan tumawa din ako. ' Sige Alice..., tinatawag nako ng mga kasama ko.' Paalam sa aken ni Sarah habang naghihintay yung kaibigan niya, she's my friend pero my close friend sya. Lageng ganito tuwing Recess, lage syang pumupunta sa table ko at makikiusap saglit. Parehas kami na 4th year pero magkaibang section.

I Can Feel You ONHOLDONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon