TWO

25 2 0
                                    

Chapter 2 : oops-oops.. At anong haplos ka jan, ang perv nito oh! May haplos haplos pang nalalaman!

 

 

Alice Park POV

 

'Manang ano ba....ayoko! Late nako sa school nyan pag tinulungan ko kayo.' Panay ang kalabet ni manang sa balekat ko kaya panay din ang kibit (shrug) ng balekat ko. Pinagtitinginan na ko e habang naglalakad ako papuntang school. '~aishhh, sige sige pero mamayang hapon nalang ho? Kelangan kung pumasok.' sabi ko kay manang. Pero ayaw makinig at panay ang kalabet sa balekat ko kaya ako naman ay panay din ang kibit ng balekat ko kaya pinagtitinginan na naman ako ng mga tao, Well okay lang sanay nako pero minsan gusto ko din mahiya kaya nag shortcut ako sa may eskinita kahit ni mejo madilim ng konti para makapunta agad ako sa may kanto kung saan tapat lang to ng pedestrian. Habang naglalakad ako sa may eskinita ay nasa gilid ko si manang tas biglang may nirinig ako kaluskus. Napatingin ako sa likod, isang babae na naka pang office, mahaba ang buhok, duguan ang mukha at ang nakakatakot sa lahat e habang naglalakad eto is she's dragging her right foot while walking papunta sa akin tas yong kamay niyang isa ay naka-extend na parang nagsasabing HINTAY  'Great!' Tumakbo ako ng mabilis, malapit nako sa may kanto pero pabilis ng pabilis yong paglalakad nung babae. Ok lang sana kung si manang pero eto yong ayoko, parang nasa horror movie lang ako e, wag sana akong madapa gaya sa mga napapanuod ko sa TV.  Pagdating ko sa may pedestrian ay saktong naka-red yong traffic light kaya dire-diretso ako sa pagtakbo tas lumingon sa likod ko at andun padin yong babae tas si manang.

Dumating ako ng school na hinihingal wala nadin kasi yong humahabol na multo sa aken kanina pero feeling ko babalik yon... aishh, iniisip ko palang kinikilabutan nako. Pumunta ako sa may locker kung saan nakita ko si Icen. 'Oi Icen Yang!' tawag ko sa kanya tsaka kumaway ako sa kanya habang patakbo sa tabi nya. 'Oi ka jan?' masunget na sabi niya. Hindi ko sukat akalain na makakatagpo ako ng safe zone ko. 'Oi...bat pawis na pawis ka? Natanong ko lang kaya wag kang mag-isip ng ibang dahilan. Ni mangarap wag mong gawin.' sabi niya ulit. 'May humahabol kasi sa aken kaya napatakbo ako hanggang dito sa school.'

 

'Sinong humabol sayo? pinagkautangan mo?' sarcastic na sabi niya tas humirit uli 'O baka naman multo? hahaha' 

'Oh? Pano mo nalaman?' tanong ko sa kanya. tama kasi sya e. 

Tumingin sya sa aken ng eto-nanaman-tayo na look. 'Totoo...grabe kung nakita mo lang yong humabol sa aken, she's walking while dragging her foot' kwento ko sa kanya tas ginaya ko yong paglalakad nung multo habang si Icen naman ay patuloy sa paglalakad at ako naman ay diretso ang pagkukwento. 'Actually dalawa yong humabol sa aken una yong manang tas nung nag-shortcut ako sa eskenita e sumunod yong isa. Ahy grabe kung nakita mo lang talaga siguradong matatakot ka.' Tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa aken, 'Hindi ako natatakot sa multo dahil hindi ko sila nakikita.' sabi ni Icen 'Pero naniniwala ka na nag-eexist sila?' tanong ko. 'Hindi dahil hindi ko sila nakikita.' tsaka sya naglakad palayo sa aken since iba ang direksyon ng klase nya. Pero bago sya makalayo ay nagtanong uli ako. 'PERO, NANINIWALA KA BA SA MGA SINASABI KO?'  Napatigil sya sa paglalakad at mayat-maya ay lumingon sa aken, Para syang nag-iisip kung ano ang sasabihin niya pero walang syang sinabi at naglakad na talaga palayo sa aken.

I Can Feel You ONHOLDONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon