OMK - 1

111K 2K 603
                                    

Patrick's POV:




"Patrick! Ano ba?! Masamang biro yan! Pwede bang tumigil ka nga?! Di ka na nakakatuwa e!" Tammy.

"Pat, ano nanaman bang kagaguhan toh?! Seven years na pare! Seven years! Tama na!" Seth.

"Pero sigurado na ako dito! Siguradong sigurado!" Ako.

"Patrick! Tama na nga diba?! Stine-stress mo misis ko e!" Jason.

"E bat ba kasi ayaw niyong maniwala a?! Mismong anak niyo na nga ang nagsabi diba?!" Ako.

"Patrick! Stop it! Pati bata sinasali mo pa sa usapan e!" Bea.

"Pare, alam kong nasasaktan ka parin. Pero sa ginagawa mong yan? Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo e! Tama na Brad." Kris.

I sighed.

"Eto pala yung nararamdaman ni Ella nung di natin siya pinaniniwalaan noh?" Ako.

I heard someone sigh again.

Tinabihan ako ni Joyce.

"Patrick, c'mon. We're all 26 years old. Everybody knew what happened 7 years ago. YOU were there for pete's sake! Kaya masyadong imposibleng.. si Ella at ang teacher ni Danilo na si Chandria.. ay iisa. We all witnessed how Ella was gently buried." Joyce. Habang hinihimas-himas yung likod ko.

"Atsaka Pare.. nakta mo na kung anong itsura ng Chandria Dimalanta na yan? Alam mo, minsan may pagka-tanga ka rin e. Pagsinabing DIMALANTA.. si Ella agad?! Di ba pwedeng.. MARAMI lang talagang DIMALANTA sa Pilipinas?" Katsumi.

"Kaya nga minabuti ko munang sabihin sa inyo ang kutob ko kesa.. akong mag-isa ang makita siya. Kasi.. baka madismaya pa ako." Ako. Sambit ko habang nakayuko ang ulo ko.

"Patrick naman e. Wag kang ganyan. Please. Wag kang manghina. Okay ka na diba? After all those years.. OKAY ka na! Bakit mo pa pinahihirapan ang sarili mo?" Britney.

"Gusto ko lang namang maramdaman kung pano maging masaya ulit! Gusto kong maramdaman uli yung.. salitang 'pagmamahal'. Gusto ko lang naman subukang.. hanapin uli ang buhay ko. Masama ba yun? Minsan na nga lang ako magmahal.. bigo pa. Yung lang naman gusto ko e. Ba't di niyo ako kayang suportahan? Yun na nga lang e." Ako.

One Last Kiss ♥ (Book 2 of Kiss Stealer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon