CHAPTER 3 - EAST KNIGHTS

1.5K 54 0
                                    


Chapter 3 - EAST KNIGHTS


SHANELLE FORTALEJO


"Oh my! Dadaan ang East Knights!!!"



At ang pagsigaw ng babaeng yun, kung sino man siya, ang nagpatigil samen ni Annika.


East Knights. Psh!


Lumingon ako sa tinitignan nilang lahat. Parang kanina lang, akala mo nanonood sila ng isang action movie na pinagbibidahan namen ni Annika. Tapos ngayon....


Nasa kanilang tatlo na ang atensyon. Pero sino nga ba ang hindi mapapatingin sa kanila? Maliban saken at kay Cheska, wala na yata. (-_-)+


Nasa gitna at nauuna ng ilang hakbang ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo. Seryoso ang mukha niya at medyo magkasalubong ang kilay. Siguro nasa mga 6'1 ang height niya . Raven black hair. Wala siyang pakielam kahit hindi nakaayos ang buhok niya. Medyo magulo kasi ito pero hindi naman siya marumi tignan, cool pa nga para sa iba ang ganitong mga hairstyle (ewan ko kung paano nangyari yun). Hindi siya maputi, hindi rin maitim, tama lang. Proud nose. Broad shoulders. Mga biceps na kumakaway sa suot na jersey. Nakakatakot tumingin ang mga mata niya. Cold yet captivating eyes!


Oo na.


Sige na.


Aaminin ko na.


Erm, gwapo siya.


Pero ang may mga ganitong facial feautures ay yung tipong mayayabang kaya nakakainis siya!


He is tall and fair and I don't care.


"Yay! Ang pogi pogi talaga ni Lenard!"


"Oo nga. Hikhikhik!" kung hindi naman ako nagkakamali ang tinutukoy ng mga talanders na ito ay ang guy na nasa kanan.


Spiky hair na kung sa ibang lalaki titignan magmumukhang mga tambay sa kanto. Pero sa kanya, hindi. Para siyang isang rock star though, hindi pang-rocker ang ngiti niya kundi pang-flirt. Lahat ng tumawag sa pangalan niya nginitian niya. Lahat din sila nabati niya na ng "hi there, babe" sabay wink pa! Typical playboy.


Yung isa naman, mukhang walang pakielam sa mundo kahit na halos tumulo na ang laway ng mga babae na nakatingin sa kanya. Wala akong mabasang emotion sa singkit niyang mga mata. May hawak siyang libro sa isang kamay. Pero hindi siya mukhang nerd or geek. Ahh... hindi ko na siya madescribe kasi napakatahimik niya.


Kung maglakad sila akala mo sila ang may-ari ng daan. At parang ineexpect pa nila na magba-bow kameng lahat sa kanila. Parang mga hari. East Knights? Parang more of East Kings dapat.


Magmula ng mag-transfer sila sa school ngayong taon para nang araw-araw may bagyo dito samen. Para silang mga buhawi. Nagkakagulo ang lahat kapag dumadaan silang walo. Yes, walo sila. Ewan ko kung nasaan ang lima pa nilang kasama. Eight gorgeous men ang bigla na lang sumulpot dito sa campus ng Bradfort nung first day ng sophomore year namen. Oops! Gorgeous my ass!

Never to Fall In love with a Gangster! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon