CHAPTER 25

4.2K 75 0
                                    

* GILBERT POV *

ang bilis ng panahon , isang buwan na ang nakalipas simula nung malaman ni Hanah na may cancer siya lahat ay naging maayos at eto kami hinihintay na lang kung kelan manganganak si Hanah pero sa totoo hinde ko alam kung matatakot ba ako o magiging masaya dahil sa sinabi ng doctor samin

" Yam kung sakaling papipiliin ka samin ng anak natin please piliin mo anak natin " di ko na mapigilan ang mapaiyak oo tama kayo may posibilidad na papiliin ako kung sino ang ililigtas ko sakanilang dalawa

" wag kang mag salita ng ganyan Yam pareho kayong maliligtas ng anak natin " sagot ko sakanya habang niyakap ko siya hinde ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot dahil manganganak na si Hanah bakit ba ng yayare to , eto pa ang sumpa ng pagiging bakla ko

" basta Yam mag promise ka " sagot ni Hanah habang umiiyak na rin siya

" ayoko Yam , hinde mang yayare yun " ayokong isipin na mang yayare yun sana ako na lang ang mamatay bakit kailangan isa pa sakanila maiisip ko pa lang na mangyayare ang araw na yun parang dinudurog na ang puso ko

" parang-awa mo na yam mangako ka " shit bakit ganito paano ako makakatanggi kung ganito

" Yam tumayo ka na diyan wag kang lumuhod " shit parang dinudurog ang puso jusko bakit ba ng yayare to saamin

" hinde yam mangako ka muna " putangina lang ang sakit neto sana ako na lang di ko na naiwasan kaya tumango na lang ako

" oo yam , nangangako ako kaya tumayo ka na diyan parang-awa mo na yam " tapos ayun unti-unti na siyang tumayo at niyakap niya ako kaya gumanti na lang din ako ng yakap

" Yam tandaan mo mahal na mahal kita kahit na mawala ako babalik at babalik ako sana kahit gaano katagal hintayin mo ako ikaw lang ang mahal ko , mawala man ako Yam tandaan mo yun ay dahil mahal ko kayo " di ko naintindihan bakit eto ang sinasabi ni Hanah naguguluhan na ako

" Yam mahal na mahal din kita , hinde ka mawawala dito ka lang sabay natin palalakihin ang anak natin " hinde na sumagot si Hanah basta yinakap niya na lang ako ng mahigpit

" tama na Yam , ipag-luluto na kita ng tanghalian mo siguro tapos na maligo si Leila hintayin mo ako dito aa " sabay hinalikan ko siya sa labi at pumunta na ako sa kusina para ipag-luto si Hanah sana wag dumating ang araw na kinakatakot ko

* HANAH'S POV *

sobrang sakit bakit kailangan tong mang yare saamin pagod-na pagod na akong umiyak mahal na mahal ko kayo baby ng dadi mo sana lumaki ka ng maayos , wag mong papahirapan ang dadi aa lahat gagawin ko para sainyo ng dadi mo kahit masasaktan ako wag lang kayo mapahamak naiiyak pa din ako pupuntahan ko na lang si Leila sa kwarto

pero parang teka unti-unting sumasakit ang tiyan ko shit manganganak na ba ako ? ang sakit parang ay di ko mapaliwanag sobrang sakit teka parang may basang umaagos sa hita ko napahawak na lang ako sa hawakan ng hagdan shit di ko na kaya

" GILBEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEERT !!!!!!!!!!! " di ko na kaya talagang masakit na sobrang sakit na

* LEILA'S POV *

" GILBEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEERT !!!!!!!!!!! "

shit si Hanah yun aa ? di na ako nakapag suklay lumabas ako agad ng kwarto at nakita ko si Hanah at may dugong umaagos sa hita niya at si Gilbert nakatulala shit manganganak na si Hanah

" HOY GILBERT PUTANGINA MO DALHIN NA NATIN SA HOSPITAL SI HANAH MANGANGANAK NA SIYA !!! " at dun lang parang natauhan si Gilbert kaya dali-dali niyang nilapitan si Hanah at binit-bit niya shit sana naman wag mang yare ang kinakatakutan namin

" Hanah kaya mo pa ? malapit lang naman tayo sa Hospital " tanong ko sakanya

" oo Leila kaya ko pa paki bilisan na lang " hinde pa rin nag sasalita si Gilbert makalipas ang ilang minuto ay nasa hospital na kami at dali-daling inihiga si Hanah sa stretcher pero bago siya dalhin papasok ng operating room hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya

" Leila kahit anong mang-yare wag mong pababayaan ang mag-ama ko " di ko na napigilin at tuloy-tuloy ng tumulo ang luha ko at namalayan ko na lang na tumatango na pala ako

" salamat Leila " at tuluyan na siyang ipinasok sa loob ng operating room at hinarang na kami ng doctor " hanggang dito na lang po kayo " kaya naman tumango na lang ako at pag lingon ko kay Gilbert nakatulala pa din siya at napaluhod sa harap ng upuan ng operating room habang tumutulo ang luha nira ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya jusko panginoon wag niyo ho pababayaan si Hanah at ang anak nila ni Gilbert maawa kayo

" Leila di ba maliligtas sila ? " nakatulalang tanong ni Gilbert habang tumutulo ang luha niya kaya naman kahit hinde ko din alam ang sagot sa tanung niya tumango na lang ako

" halika na Gilbert tumayo ka na diyan tawagan natin ang papa ni Hanah at ang mga magulang mo " wala sa sariling tumayo si Gilbert at lalakad na sana siya paalis ng lumabas ang doctor sa operating room

" Mr. Roxas kailangan niyo po sumama sa loob ng operating room ayaw po mag pa SC ng asawa niyo gusto niya po ng normal " kaya naman unti-unting lumingon si Gilbert at pumasok na ng operating room jusko panginoon iligtas niyo po sila maawa kayo

A/N : ano kayang mang yayare kay Hanah sana maligtas siya

VOTE & COMMENT

♥ ISAYMAKULET ♥

MY ACCIDENT MAKE LOVE WITH A GAY ( AWESOMELY COMPLETED )Where stories live. Discover now