Kitchenomics Megane's Version

47 1 1
                                    

Tatlong minuto na ang lumipas simula nang nag-log-in siya sa Facebook. Tatlong minuto na rin niyang napapansin ang berdeng tuldok sa tapat ng pangalan ni Dave Robles. Hindi pa ba napapansin ni Dave na online din si Kristine? Kung sakaling, oo, bakit hindi pa ito ang mag-umpisa ng chat?

Ilang linggo na ring ginagawa ito ni Kristine Salameda. Simula nang nalaman niyang engaged na ang ex-boyfriend niyang si Dave Robles, hindi na siya mapakali. Nasa kolehiyo pa lang sila nang naisipan nilang tapusin ang relasyon nila ni Dave. Bakit nga ba ulit, tanong niya sa sarili. Hindi dahil may third party.

"Kundi dahil mapagmataas lang talaga kaming pareho," bulong niya sa sarili.

Mass Communications ang kurso ni Kristine, samantalang Accountancy ang kay Dave. Iba ang pangarap ng bawat isa at paris na mataas ang kanilang gustong abutin. Nagbabalak si Kristine na makipagsapalaran sa iba't ibang lugar para gumawa ng documentary films. Si Dave naman ay maayos lang na sa Baguio o sa Makati manirahan upang maging isang Tax Adviser.

Dalawang minuto pa ang lumipas. Nanatiling online si Dave. Ako na kaya ang magsisimulang makipag-chat? tanong ni Kristine sa sarili. Muling lumutang ang isip niya sa nakaraan.

Pareho silang graduating ng araw na 'yun. Limang taong nakalipas. Sabay ang ceremonies ng kurso nila kaya sabay na silang pumunta sa university para makimartsa. Bago mag-umpisa ang graduation march, nag-usap sila sa likod ng gym.

Si Dave ang nagsimula. "Parang mahirap na magpatuloy."

Ayaw na sana marinig ni Kristine ang susunod na sasambitin ng nobyo. Hindi na lang siya umimik.

"Nakikita mo ba na tayo pa rin pagkatapos ng lahat nang ito? I mean, didiretso na ako ng Makati next week. Ikaw naman, sabi mo, sa Cebu ka na."

Hindi sila magkatinginan sa mata. Katahimikan.

"So dito na natin puputulin? Dito mismo? Ngayong oras?" malungkot na tanong ni Kristine.

Tumango si Dave.Simpleng break-up lang. Matapos ang maikli ngunit ubod nang lungkot na usapang iyon, naghiwalay ang dating magnobyo.

Sampung minuto na ang lumipas simula nang mag-log-in si Kristine. Online pa rin si Dave. At hindi na nakayanan ni Kristine ang sarili. Mabilis niyang pinindot ang mouse sa tapat ng pangalan ni Dave sa chatbox. Sabay pindot nang mabilisan ng "hello" sa keyboard.

Mabilis na sumagot si Dave. "Hi. Musta?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kitchenomics Megane's VersionWhere stories live. Discover now