1

375 8 3
                                    

Sorry sa di pag-uupdate sobrang dami lang talagang sinusulat. Haha. May alam kasi akong naghihintay ne'to. Yung isa dyan. Kaso bawal sabihin eh :)

By the way. May connect naman po yung cover photo ko na guitar (blue) sa story na 'to. Diba nga po musician sila? And sa flow po ng story meron din. Kahit sa title wala! :)) Basahin nyo nalang para malaman nyo ung connect. Haha.

----------------------------------

1

Kinabukasan pumasok na ko sa University. Hay eto nanaman yung algebra >< Yan ang pinaka kinaiinisan kong subject eh! Mahina kasi ako jan. Kayo ba hinde? Umamin ka.

Wala na kong naintindihan sa mga pinagsasasabe ng professor ko dito. Eh kasi wala naman talagang papasok sa utak ko pagdating sa math. Ang laman lang ng utak ko eh yung text ni Mi Nyu kagabe.

[Oy! Nakita ko yung picture ni Blaze. Grabe. Nakakainis bakit kasi crush na crush ko yun eh >:( Hindi kasi mana sa'yo. De joke lang haha]

[Oy! Nakita ko yung picture ni Blaze. Grabe. Nakakainis bakit kasi crush na crush ko yun eh >:( Hindi kasi mana sa'yo. De joke lang haha]

[Oy! Nakita ko yung picture ni Blaze. Grabe. Nakakainis bakit kasi crush na crush ko yun eh >:( Hindi kasi mana sa'yo. De joke lang haha]

[Oy! Nakita ko yung picture ni Blaze. Grabe. Nakakainis bakit kasi crush na crush ko yun eh >:( Hindi kasi mana sa'yo. De joke lang haha]

Psh. Paulet ulet naman naman. Tch. Kanina pa nagf-flashback 'to sa isip ko eh. Pero isa lang pinanghinayangan ko..

Sana pala hindi ko nalang sinabi sa kanya na crush(Ugh. Gay).. Gusto ko si Liezel.

*bzzzzzzt*

1 Message received from Mi Nyu.

[Annyeong! Hays kakatapos lang ng concert dito sa highschool dept. Hays puro tilian naman eh -.- Ang init! Psh kapagod. Daming nakikipagsiksikan! ><

GM #Cervantes]

[kamusta ba?] ako

[Ayos lang. medyo pagod na.] siya

[ah. Magpahinga ka muna o kaya gusto mo magbasa ka nalang bible] ako

[Ah sige mamaya try ko. Ikaw kmusta?] siya

[eto humihinga pa hehe.] ako

[haha. malamang naman.. siguro nakulitan ka lang sakin kaya ka nagreply sa gm noh?] siya

[hindi ah. hindi naman ganun ugali ko.. ] ako

[wushuu~ nakulitan ka lang eh] siya

[psh hindi nga. ansama ko naman kung ganun?] ako

[hahaha] siya

bigla akong tinawag ni Sir. Psh. Kaya hindi na ko nakapagreply.

"Mr. Lee. Why are you texting in my class?"

"Ah Sir. Someone just texted me. Binasa ko lang po baka emergency"

"And why are smiling while texting?" seriously, sir? Tinitigan mo ba ako nung nagtetext ako? 

"I'm not Sir." At mukha naman kumbinsido na sya dun. Hayst

"Psh. Sabi mo eh. At dahil mabait ako, uulitin ko nalang since maraming di maka-gets."

"Ganun din naman pala tinanong pa sakin" bulong ko lang sa sarili ko. Napatingin naman sakin yung dalawa kong katabi

"Okay you can seat"

Umupo na ako. Nagturo na ulit si Sir. Medyo madali naman kaso may mga mali din ako minsan pag tinry ko.

*bzzzt* nagvibrate ulit yung cellphone ko. Pagtingin ko si Mi Nyu ulit. At GM na ulit

[Yoboseo~ Hay sa wakas pwede na ko makatulog dito sa room -.- Ang ingay naman =.=

GM #Cervantes]

[Haha. Sige pahinga ka na. Bakit nga pala Cervantes?]

[Ah. gf ko yun] siya. Gf? As in girlfriend? Ah gets ko na. babaeng kaibigan haha.

[Ah haha. Kala ko bf mo na]

[Hala! Hindi ako nagb-bf no! NBSB ako at konti nalang lahi ko! proud ako! Haha] siya. Haha Ang kulit nya talaga. 

[Haha. Oo na. Sino yan sa friends mo?] ako

[Joke lang. Di ko naman talaga friend yung cervantes. Middle name ko yun eh! ^^]

Mi Nyu's POV

[Joke lang. Di ko naman talaga friend yung cervantes. Middle name ko yun eh! ^^]

Matutulog na sana ko kaso nagreply siya eh. Tatanong tanong pa kung sino yung Cervantes. Para namang ipagpapalit ko siya? Haha. Hoy Mi Nyu! Ang cheesy mo na ah! Kelan ka pa naging ganyan?

[Ah. hehehe. Sige! Matulog ka muna. Tinatawag na din ako nung prof ko eh]

di na ko nagreply. Matutulog na sana ko sa classroom kaso bigla naman dumating si Storm. Classmate ko siya eh.

"Hoy! ^___^ Bespren!" sabay tapik sakin

"Hoy! Bulag ka ba? Nakita mo ng matutulog ako eh. Saka what's with that smile? Or should I say... Full smile?"

 "Ah. Wala lang good mood lang ako kasi alam ko na yung chords nung kinanta kanina sa concert. Hay. Kung pwede lang magpiano dito sa room eh."

"Oh? Masaya ka na nyan? Kaya ka nangiistorbo ng tulog?"

"Psh. Sorry na. Sige matulog ka na muna jan. Gigisingin nalang kita." tapos tumabi siya sakin.

Matutulog na sana ako kaso bigla naman dumating yung mga classmates kong nagsisitilian parin. hays.

"WHAAA! MAGPATULOG NAMAN KAYO PWEDE?!" ako. Napatingin naman lahat sakin tapos natigil sa pag-hihiyawan at tilian. Ayun buti naman tumahimik na. Kala ko aangal pa sila. Sgt@arms kaya ako. HOHO^^

Muntik ng maudlot ulit pagtulog dahil sa mga officers ng ssc ang dumating. Pero di ko na talaga kaya. Bumibigay na mata ko. Echos! Sobrang antok ko lang di kasi ako makatulog kagabi eh. I think alam nyo na kung bakit? Syempre nalaman lang naman ni ano na crush ko siya >:((

Pagkagising ko ayan labasan na. Psh. Ginising nga ako kaso naman uwian na edi kung nakita ko ng teacher baka mapag duckwalk pa ko sa buong school.

Syempre naggm ako. Alam nyo namang ako si Girl GM eh! haha.

[DEAR CRUSH, Alam kong imposibleng maging tayo, kaya nakapag-desisyon akong wag nalang sabihin at mag move-on nalang. </3... ay echooos? Haha. Lalo naman ako no! Ayoko pa magBF! Bata pa eh. Saka quote lang yaaaaan!

------------------------------

Annyeong! Okay pauwi na. Syempre kasabay ko lagi si Bespren at PrenBes. Haha. Ang wierd nga ng mga tawagan namin eh. Baduy kaso okay lang yan! Gora lang! echos ulit haha.

Grup #BlueGuitar] 

 *bzzzzzt*

1 message from Blaze.

Sorry! [wrong send]Where stories live. Discover now