Beginning

9 4 0
                                    

Denise Kaith's Point Of View

*RINGGG RINGGG*

Narinig kong pagiingay ng alam clock ko, tiningnan ko ang hello kitty kong alarm clock, 5:10 na ng umaga, kailangan ko na magayos.

Ngayong araw ang pasukan namin. First year high school palang ako. Transferee ako, kaya syempre wala akong kilala dun. Except nalang sa pinsan kong di ko naman kaclose. Taga Cavite talaga ako, pero ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng mga magulang ko at lumipat kami dito sa Quezon Province.

Pinilit ko si mommy na wag na akong lumipat pero wala eh. Ang hirap magadjust dito kasi syempre sa Cavite, city yun ibang iba sa probinsya. Iyak nga ako nang iyak nung sinabi ko kina mommy na sobrang hirap magadjust.

"Ma'am Denise, tara na po?" Tanong sakin ng driver namin ng matapos ako kumain ng umagahan at pagkalabas ko ng pinto namin. Taray ng driver namin oh, may pa gatsby ang buhok.

"Kuya Dexter, hanggang 5 po ang pasok ko, daan po tayo sa McDo bago dumiretso sa bahay ha?" Sabi ko sakanya. McDo talaga ang favorite ko na kainan, buti nalang may malapit dito samin.

"Sige po ma'am." Sagot nya sabay bukas ng radyo. Nagplay naman ang kanta ng one direction, history.

pucha bakit?!

"Kuya Dexter, paki-lipat naman po nung station oh." Reklamo ko kay kuya, ayoko na kasi makarinig ng kahit anong one direction. Sobrang sakit na nung nangyari sakin bilang isang directioner.

Sinubukan nya na ilipat yung station kaso mahina siguro ang signal kaya di maayos pakinggan.

"Paki patay nalang po." Sabi ko sakanya. Medyo maldita ako, pero sanay na silang lahat sakin.

--

Hanapan na ng sections, syempre dahil baguhan nga ako dito, kung saan saan ako napapadpad. Buti nalang may kumausap sakin, ka-year level ko lang yata sya kasi isa lang yung nakalagay na line sa necktie nya.

"Hi! Ako nga pala si Daylle!" Masigla nyang bati sakin, medyo nahihiya ako pero pinilit kong ngumiti ng masigla din pabalik. Inabot nya kamay nya upang makipag shake hands. Inabot ko naman ito.

"Denise," sabi ko habang nakikipag shake hands sakanya. Mukha naman syang mabait, pero parang hindi sya transferee dito.

"Ahh, hi Denise! Transferee ka 'no?" Tanong nya sakin habang tila ba pinagmamasdan ako. Tumango nalang ako kasi medyo naiilang pa ako.

May lumapit naman kay Daylle na isang babae, mukhang close sila kasi pinalo nung babae si Daylle sa pang-upo nito.

"Aray ko naman, Naomi!" Reklamo ni Daylle dun sa babae. Bahagya akong napatawa pero syempre medyo patago kasi di naman kami close.

"Oh hi!" Bati sakin nung Naomi, bakit parang maldita sya huhu.

"Ako nga pala ang pinaka maganda, pinaka cute, at syempre imagination ko lang yun! Ako si Naomi." Pagpapakilala nya. Ay hindi pala maldita, mahangin. Joke.

"I'm Denise." Sagot ko sabay ngiti ng labas dimple.

"Okay, gather up students! Ito na ang first section." Sabi nung teacher siguro na nakatayo sa may stage.

Nagsabi na ng mga pangalan pero hindi ako nabanggit. Nabanggit na ang mga pangalan ni Naomi at Daylle sa unang section, so hindi ko sila kaklase. Sad. Pati din sa pangalawa at pangatlong section.

"Okay, for the last section. Blahblahblahblah." Wala na akong maintindihan, bigla kong narinig yung "Ms. Cuballes."  Ayon! Ako yon wahaha.

Rumampa ako papunta sa hanay ng mga kaklase ko, shems, parang antatahimik nila. Sa una lang yan.

Nakaayos na yung seating arrangement namin, nasa may unahan ako, kasi alphabetical order sya. Alternate pa, so, katabi ko ay lalake.

"Hiii! Ako nga pala si Cedrick!" Nagulat naman ako, bigla syang nagpakilala. Mukhang mabait naman. Ang pogi ha, infairness. Maputi din sya tapos parang antangkad nya.

"Denise," sagot ko sakanya. Pinagmasdan nya din ako, ganto ba talaga dito? Pinagmamasdan mabuti ang mukha kapag baguhan? Medyo nailang ako dun ha.

"Transferee ka 'no?" Tumango nalang ako bilang sagot kasi ilang na ilang na ako. Nagpakilala na ang aming teacher, si Ma'am Leen. Konting introductions and then boom recess na!

Excited na lumabas ang mga kaklase ko, tatayo na din sana ako, kaso naalala ko, wala pa nga pala akong kaibigan.

"Oh Denise, bakit 'di ka pa nagrerecess?" Tanong sakin ni Ma'am Leen,  nandito pa pala sya. Napangiti nalang ako ng tipid. Nakakahiya naman.

"Ah ma'am, wala po akong makasa--" naputol ang pagsasalita ko ng biglang may tumawag sakin mula sa labas ng room ko.

"DENISEEE!" Si Daylle pala at si Naomi. Napatawa nalang si Ma'am Leen namin at sinenyasan na ako na puntahan ang dalawa.

"Oh, bakit?" Natatawa kong bungad sakanila. Nakakatawa naman kasi tong dalawang to eh, bigla bigla nalang sisigaw sa labas ng room, andami pang tao ha.

"Wala ka kasi sigurong kasama magrecess, kaya niyaya ko tong si Naomi na samahan ka." Sabi ni Daylle sabay ngiti ng kay lapad.

Dinala ako ni Daylle at Naomi sa canteen nakapulupot pa ang mga braso nila sa braso ko. How sweet. Andami ng nakaupong mga estudyante sa mga table, madami na ding nakapili para kumuha ng pagkain. Pero may nahagip ang mata ko, isang lalakeng tila ba nakatingin pala sakin.

Isang lalake na mukhang pamilyar sakin.




-----



Hey guys!! So ang tapang ko 'no? Pinublish ko 'tong story na to kahit 2 lang followers ko HAHAHAHA. Pero wapakels, ang ganda ng plot nito eh. Kaya kung nababasa nyo na 'to, maraming salamaaaat!! Please vote and comment down your reactions! xoxo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon