Chapter 8 - Es eych ay ti.

24.7K 808 159
                                    

Chapter 8

BIGLA na lang binuksan ni Eunice ang pinto at karga-karga si Eunice na tatakas na sana sila, kung hindi lang talaga wala na siyang takas.

Sa isang iglap, wala na sa kanya ang anak niya.

At sa isang iglap, naglalakad na palayo sa kanya si Drake na karga-karga ang anak niya.

God! She couldn’t believe this! Nilaglag siya ng nanay niya kay Drake! Oh, my God, how could her mother do this to her?!

“Drake! Drake, ano ba! Ibigay mo sa’kin si Yuri, ibigay mo sa’kin ang anak ko!”

Biglang inunahan niya sa paglalakad si Drake, hinarang niya ang sarili niya sa daraanan nito, nakadipa pa ang mga kamay niya.

Pero ang ginawa ni Drake? Lumapit lang sa kanya at naglakad habang tulak-tulak ng index finger nito ang noo niya. Syempre, mapapalakad-atras din siya.

Bastard!

“Ano ba!” Kinabig niya ang kamay nito at huminto siya kaya napahinto rin si Drake.

“Just cut the bullsh-t, Eunice, will you?”

Nanlaki ang mga mata niya. “Don’t say bi yu el el es eych ay ti in front of my baby, you son of a b—hmm!!!” nanggigigil na sabi niya kay Drake pero bigla na lang, sa weird na timing, tumawa si baby Yuri.

“Oh, look at that, buddy. Your mom’s funny, right?” malokong sabi ni Drake kay Yuri.

Pero bigla namang umiyak si Yuri.

She smirked. “Oh, look at that, baby. Your dad’s scary, right?”

Wait, WHAT?! Was she out of her mind?!

And now it was Drake’s turn to smirk.

“I mean—“

“Wait, what’s that smell?” biglang tanong ni Drake.

Akala niya niloloko lang siya nito pero nang iangat nito si Yuri, naamoy niya na rin ang naaamoy nito.

“See? He hates you,” inismiran niya si Drake.

“No, he’s welcoming me,” kontra agad ni Drake.

Napairap na lang siya. Kaso, biglang umambon.

Great. Now even the rain was sabotaging her escape!

“Christ. Akin na si Yuri, Drake!” Bigla niya na lang kinuha si Yuri mula kay Drake at tatakbo na sana siya pabalik sa sasakyan ni Drake nang bigla siyang hilahin ni Drake.

“Are you crazy? We’re going inside!” he yelled and then baby Yuri started crying again.

“Don’t yell, you as$, you’re scaring him!” sigaw niya kay Drake.

Napaungol na lang si Drake at hinila na siya papunta sa entrance ng hotel.

Hindi niya alam pero sa sandaling iniyakap ni Drake ang isang braso sa katawan niya at itinakip sa may ulunan nila ni Yuri ang isa, hindi niya alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang feeling niya.... isang pamilya talaga sila.

Nang makarating sila sa loob ng hotel, pinunasan agad ni Drake ang bahagyang naambunang parte ng katawan ni Yuri.

“He should be okay, right?”

ONE NIGHT AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon