On AFGITMOLFM book ♥

11.7K 343 96
                                    

Jun 04, 2013

Isang taon at kalahati na rin ang nakalipas simula nang ikwento ko sa readers ng AFGITMOLFM (at mga mahilig sa chismis) ang nangyari between PSICOM and me. Nanghinayang ba ako? Medyo. Dati. Nalungkot? Sakto. Dati. Ano na status ng heart ko ngayon? Broken. Hahaha joke. Masaya naman.

So bakit ba ako nandito?

Kasi feeling ko kailangan ko mag-explain. I can explain, promise! Kasi baka isipin niyo, "ay tengene nitong author na to. Naiyak pa naman ako sa "On Publishing AFGITMOLFM ♥" niya tapos biglang ganito?!" Kaya ito. Mag-eexplain ako. Hear me out.

Summary of PSICOM and Rayne thingy:
Kaunti pa lang ang napapublish na libro noon nang mag DM sa akin si hystg asking kung may publisher na ba ako. That time, wala pa kasi hindi pa talaga uso publishing masyado. Mga DNP days pa lang 'yun. Then ayun, kinontact ako ng psicom.

Kakatapos ko lang sa pag rerevise ng AFGITMOLFM at kakalasap ko pa lang ng 1 million reads. Nung mga time na 'to, kaunti pa lang ang nakaka 1m reads. So parang feeling rare pa ang peg ko noon. Wala pang TTLS at on going pa lang ang JOA ng mga araw na 'to.

Hindi ako pumayag sa pagpublish ng AFGITMOLFM. Bakit? Dahil sa pag-ayaw kong maalis ang AFGITMOLFM sa wattpad at feeling ko kasi masisira ang AFGITMOLFM (dahil hindi ko alam na pwede palang iedit ng author mismo ang content. Akala ko editor lang). Inoffer ko 'yung JOA that time pero hindi nila ako nireplyan. Saklap.

What happened next?
So ayun. . . dumami ang nagpublish ng stories. Dumating ang sunod sunod na publish ng Pop Fiction / Summit. Sunod sunod din ang sa Psicom tapos may lumabas pang isa! LIB naman. So ako parang, okay. Sige. Kaya niyo 'yan guys.

May mga kaibigan akong taga PSICOM na sinabi na gusto pa rin ako ng psicom pero wala eh. Umayaw na ako. Nakakapanghinayang, yeah. Tapos nakikita ko lahat ng tao sa paligid ko nagpublish na ng book. Sa bawat scroll ko everyday, may panibagong libro.

Wow. Angas.

Ano sunod?
Na-depress ako. HAHAHAHAHAHAHAHA. Seryoso, nadepress ako. Kasi feeling ko nasayang ko ang lahat ng pagkakataon. Dapat nagsasign na rin ako ng libro. Dapat nagpupunta na rin ako ng mga booksigning. Isa dapat ako sa 'gold writers' ng Psicom na first batch. Hindi ko siya pangarap pero alam mo 'yun? Ang angas kasi nung feeling na isa ka sa mga pioneers! Pero hindi talaga eh. Yung kahit na ilang beses kong sabihin na "gusto ko!!!" may kumakatok sa isip ko na "nope. No. Sorry. Hindi pwede."

O tapos?
Namigay ako ng soft copy ng stories ko. Wala lang, share. Tapos nakilala ko si Ellaine, reader ko sa AFGITMOLFM. Bakit kasama siya dito sa kwento ko? Kasi siya ang dahilan kung bakit napush ako magdecide na magpublish ng book. Sabi kasi nila mag self publish na lang ako pero naisip ko, bakit ako magseself publish eh may wattpad naman?

Narealize ko na lang na tulad ni Ellaine, may mga tao pala talagang gusto ng physical book. Yung nahahawakan, nalilipat ang page at naaamoy yung papel kung trip. Yung nasusulatan at nasa-sign-an. Remembrance kuno.

So I decided to self-publish AFGITMOLFM.
Pero hindi lang basta print dahil gusto ko, MAS maayos ang book version. Gusto ko ipakita sa lahat na worth it ang pagself publish dahil edited ito at mas maayos at mas matino. So I sought help. Hindi ako mapupunta dito ngayon kung hindi ko nakausap at naging kaibigan si AlieOlli na hindi ko naman kilala dati pero ngayon pakner ko na. Isama pa si AlexanderSeta na nagPM sa akin noon na lalaki siya at binabasa ang AFGITMOLFM. Sinama ko rin sa editing sila Trinie, Red, Ellaine(hindi pa kami close masyado nito pero naging super close in the process) at ang kaibigan kong si Jobelle.

P L S P T S Y ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon