Baby 60

8.5K 154 46
                                    

Baby 60: Suspect

ENJOY READING MATCHMAKERS!

************

Ware POV

************

Pagdating ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama.

Ang sakit ng mata ko at katawan. Namamaga pa ang dalawa kong mata dahil sa kakaiyak.

Si Aira natutulog na rin sa kwarto niya sabi nung kapitbahay dahil daw sa pagod.

Kinuha ko ang Phone sa bag at tinignan kung nagtext si Aero pero wala eh.

"Itetext ko nalang siya"  sabi ko sa sarili ko, kahit masakit yung ginawa niya sakin kanina di parin ako titigil, ganyan naman ang nagmamahal diba? Di susuko.

(To: Biscuit)

Biscuit, kailan ka uuwi ^^

(Send) (Sent)

Napangit ako habang binasa ulit ang text ko. ang sweet kong Girlfriend. Pero di ko parin mapigilang di umiyak, bakit ba sobrang sakit?

Ganun lang naman ang ginawa pero masakit na? nagiinOA lang ba ako? 

Pano kung sobra pa dun ang gagawin niya? Makakaya ko pa kaya? San akokukuha ng lakas? San ako hihingi ng tulong? San ako pupunta kung iiwan niya ako?

Napapikit nalang ako at hinawak ang mahigpit ang cellphone. Bakit ba ako nagiisip ng mga ganitong bagay? 

Naghintay akong magreply siya pero lumipas nalang ang dalawang oras pero di parin siya nagrereply.

"AERO BAKIT ANG GULO GULO MO? ANONG PROBLEMA MO?" Di ko mapigilang di sumigaw, totoo naman eh ang gulo-gulo niya, di ko maintindihan kung anong nangyayari.

Bigla nalang siyang naging ganun.

Lumabas ako ng kwarto at umupo ako sa sofa sa sala, hihintayin ko si Aero na dumating.

That Baby Is A Matchmaker (Baby Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon