To the girl with a black hoodie

7 0 0
                                    

Galing ako sa isang shop na malapit sa bahay namin na lagi kong pinupuntahan. Dahil sa mamahalin ang mga equipment pang-camera dito, madalas ay nagwiwindow shopping lang ako sa tuwing napapadaan ako.

Napakadalas ko dito na memoryado ko na nga pati ang schedule ng bawat empliyado. Siguro at least thrice a week ako nabisita sa shop para tumingin-tingin ng mga equipment para sa camera ko, pero mayroon na akong minamatahan nang matagal.

Ito ay isang bagong lens! May kalumaan na ang model ng camera ko pero ayaw ko pa itong palitan dahil maayos pa naman ang functions nito. Mas maganda na palitan ko nalang ang lens para kahit luma na ang camera, maganda pa rin ang shots dahil maganda ang lens.

Matagal-tagal ko na ring minamatahan ang lens na iyon. Siguro noong January ko pa talagang sinimulang pag-ipunan ito. Mahirap din naman kasi magtrabaho at mag-aral. Kahit na maykaya naman ang pamilya namin, mas gusto ko pa rin na mapag-ipunan ko ito para mas fulfilling kapag nakuha ko na.

Noong February ko siguro napag-isip-isip na kulang ang baon ko sa school na pang-ipon. Kailangan ko na magtrabaho para mapabilis ang pag-iipon ko.

Nagpasya ako noon din na maging photographer-for-hire. Una, hindi pa gaano kalaki ang bayad pero kinalaunan, noong umabot ng May, tumaas ang demands sa'kin kaya't tinaas ko na rin ang bayad.

Bukod pa dito, journalist din ako sa school. Sa umaga, nasa eskwelahan ako at sa hapon, nasa opisina ako ni daddy at nagpa-part time. Kung papalarin, nakapagsusulat ako ng mga article para sa website ng publishing company na pinagtatrabuhan ni daddy. Kadalasan naman, photographer ako at ginagamit ang mga shots ko sa articles niya. Kapag sumesweldo siya, binibigay niya sa'kin ang komisyon ko sa pagtulong sa kanya.

Dahil sa estudyante pa rin naman ako, uuwi ako nang mas maaga kay daddy para makagawa ng mga homework. Palaging ang sunset sa tapat ng opisina ang nadadatnan ko galing dito. Madalas ay dumadaan ako sa shop para tumingin-tingin at pagkatapos, uuwi na rin.

Nahuhumaling ako kapag nasa shop ako. Para bang kinakausap ako ng mga lente at iba pang mga kagamitang ibinebenta doon! Buang na kung tawagin pero kung ang pagiging buang ay ang pagkakaroon ng pag-asam sa isang bagay, malamang isa na kong malaking lunatiko!

Isang gabi noong December, nakaipon na rin ako ng sapat para sa minamatahan kong lente. Galing pa ako noon sa isang shoot sa labas ng siyudad at nagmadali talaga ako para maka-tsempo pa ng jeep nang ganoong oras (mga alas-diyes nang gabi). Hindi ko na inisip pa kung may naiwan ako sa venue ng shoot, basta't mapuntahan ko ang shop bago pa man ito magsara. Nakaabot naman ako at nakuha ko na ang pinakaaasam kong lens na pinag-ipunan ko nang labing-isang buwan!

Bakas sa mukha ko noon ang labis na tuwa kaya't napasigaw ako nang "I love you, Lord!" pagkaabot na pagkaabot sa akin ni Josh, ang empliyado tuwing Sabado. 

Lumabas ako sa shop nang may ngiti sa aking mga mata. Kating-kati na akong magshoot! Dapat ko na bang taasan ang bayad sa'kin? Maglelevel up na rin kasi ang shots ko nito. Tataas kaya ang bayad kay daddy dahil magiging mas maganda na ang shots na gagamitin niya sa articles niya?

Lumutang ang utak ko sa kaiisip ng mga bagong opurtunidad na dala nitong bagong lens! Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko naitago ang ngiti ko kahit sa harap ni Josh. Tinititigan ko pa lang ang lens, sobrang natutuwa na ako na parang bang nagmatamis sa akin ang kapalaran. 

Agad kong sinilid ang lens sa lalagyan na binili ko last month at lumakad na sa jeepney stop na malapit lang naman sa shop.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EllipsisWhere stories live. Discover now