Chapter 23

97.9K 5K 1.1K
                                    

Chapter 23: Reaction

Ito na ata ang pinakamahabang gabi ng buhay ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo, nakatingin sa kawalan habang iniisip lahat ng magandang dulot ng sakripisyong ito. I've never been this satisfied on a decision I made. Saving this game will always be my top priority.

Who would have thought I could go this far in this game? This game has become not only his game but also mine. I've never been this desperate to reach something in instant because I believe everything has a perfect time. But not in this game, this can't wait longer knowing... the end is near.

Choosing to save this game will always be worth it.

Nang mangalay ay bahagya akong nag-inat ng katawan. Napalingon ako kay Rocky sa loob ng sasakyan. Nakahiga ang ulo nito sa manibela at ginawa niyang unan ang kanyang braso. Ang mukha niya ay nakatagilid at nakaharap sa direksyon ko.

Mas lumapit ako sa bintana ng sasakyan. Wala sa sariling napangiti ako habang pinagmamasdan ang payapa niyang mukha. Mabibigat ang paghinga nito base sa halatang pagtaas-baba ng kanyang balikat. He was in a profound sleep. I wonder how long he has been standing here and waiting for me to wake up? When was the last time he had a good sleep?

Hinawakan ko ang salamin ng bintana, umaasang mahahaplos ang kanyang mukha.

"You're such a tough man, Rocky," I whispered. "Stop thinking no one is capable of loving you. Just think of me and you're good. I'm sorry for giving you up. I'm sorry for hurting you, baby."

Nangilid na naman ang luha sa aking mga mata pero sa pagkakataong ito ay dahil na sa saya.

"Kaunting paghihirap na lang, malaya ka na," bulong ko. "But remember that this stubborn girl will always believe in you. I love you..."

Umayos ako ng tayo para punasan ang luha sa aking mata. Suminghap ako ng hangin bago binalingan ng tingin ang saradong restaurant. After this task, there will only be three tasks left before the game ends... finally.

It's been a long ride...

Bumalik ako sa pagkakasandal sa sasakyan ni Rocky. Wala sana akong balak pumasok kung hindi lang bumuhos uli ang malakas na ulan. Umikot ako sa isang pintuan at sinubukang buksan 'yon pero bigo ako, nakakandado ito.

I bit my bottom lip as I felt my body shivered. Isama pa ang malakas na ihip na hangin.

I tried to open the door again but unfortunately, it still didn't work.

Kakatok na sana ako para gisingin siya pero huminto rin ako. He just had a good sleep. Hinayaan niya akong matulog kanina, hindi ko nga alam kung ilang oras siyang nasa labas at nakatayo. He didn't bother to disturb me. Siya naman ngayon.

Bumagsak ang mga balikat ko.

Lumingon-lingon ako sa paligid at naghanap ng masisilungan. Nasa kabilang kalsada pa ang isang maliit na silungan kaya kinailangan ko pang tumawid. Halos madulas pa ako dahil sa pagkukumahog.

Sumandal ako sa pader dahil naaabutan pa rin ako ng mga malalaking patak ng tubig. Hinawi ko ang mga patak ng ulan sa katawan ko. Halos basa na rin ang buo kong damit. Piniga ko ang buhok ko para mabilis itong matuyo.

I hugged myself as I stared at Rocky's car across the road.

"Have a good sleep, baby," I whispered.

Niyakap ko ang sarili ko habang pinapatila ang malakas na ulan. Basa na rin ang mga binti ko at tumataas na ang mga balahibo ro'n dahil sa sobrang lamig. Napaubo ako nang mas lumakas ang hangin.

Yumuko ako at pinaglaruan ang tubig sa aking paa.

Lumingon ako uli sa sasakyan ni Rocky. Kumunot ang noo ko nang makitang nakabukas na ang pinto no'n. Saka ko lang napagtanto ang isang lalaking dahan-dahan na naglalakad sa direksyon ko. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata at tila wala rin sa kanya ang malakas na pagbagsak ng ulan.

Every GameWhere stories live. Discover now