64: Your Choice

4.2K 78 13
                                    

HELLO. ETO NA TALAGA YUNG TOTOONG CHAPTER 64! Walanhg halong error! <3 AT BURAHIN NIYO SA UTAK NIYO YUNG NABASA NIYO. KUNG NABASA NIYO MAN. ENJOY READING! <3

**

Daniel's POV

"Please, Tulungan mo akong maalala ka and we can start again.."

Dahan dahan siyang ngumiti sa akin, "Oo daniel" at saka niyakap niya ako

Kaya naman niyakap ko din siya. Pumikit ako habang kayakap siya.. Nagbabakasakaling baka may maalala ako kung ipikit ko man ang mga mata ko. at maalala siya kahit konti.

Pero wala..

Kumalas siya sa yakap "Bakit bee? May problema ba?" tanong niya. Umiling lang ako.

Di bale, Kung hindi ko man siya naalala ngayon.

Ang importante naman ay makakaalala din ako..

**

Derrick's POV

"Teka. Papunta tong subdivision nila Juls ah?" sambit ko habang nagmamaneho. Sinusundan ko yung taxi na sinakyan ni Kath.

Bakit hindi pa niya kasi ako hinayaan na ihatid siya? Kung sa bahay naman pala ni Julia ang punta niya at uuwi na siya. atsaka bakit nung may nabasa siyang text.. parang ayaw niya akong isama at tinakbuhan ako?

"Tangna!!" napamura nalang ako ng magkaideya kung ano ang dahilan niya.

Malapit na kami sa bahay..

Nagmadali akong kinuha yung phone ko, at tinawagan si julia..

"Hello, my dearest cousin! Kamusta?" pangaasar ko sa kanya. Ilang segundo hindi siya sumagot. SIguro tinignan niya yung number na gamit ko. Ibang phone ang ginamit kong pangtawag sa kanya.

"D-derrick.." napangiti ako ng marinig kong nauutal siya. Ganyan nga Julia, mautal ka. matakot ka.

FOREVER SLAVE (KathNiel)[Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon