Chapter 26 - Never Giving Up

9.2K 242 5
                                    

-------- Kasalukuyan ---------

"Saan ka pupunta?" tanong ni Shawn habang nakasunod kay Dee-Lan, "maghahanap ka na naman ba sa taong ayaw magpakita sa'yo?"

"Dee-Lan, ano ba? Ayaw mo ba talaga akong kausapin? Wala na lang bang halaga para sa'yo ang nangyari sa atin kagabi?" sunod-sunod na tanong ni Shawn ngunit patuloy pa rin sa pagbibihis si Dee-Lan na tila walang narinig.

"No!" humarang si Shawn sa pinto na magtangkang lumabas si Dee-Lan, "I won't let you do this to me."

"Kung anuman ang nangyari sa atin kagabi," nagsalita si Dee-Lan, "alam mong balewala lang 'yun. Nakalimutan mo na bang nasa 'Flirtationship' lang tayo. No commitments. No obligations."

"You're lying!" nanginginig ang tinig ni Shawn habang nagsasalita, "alam kong hindi balewala lang ang nangyari kagabi. We were both passionate and we both loved what happened."

"Nakalimutan mo na ba ang kasunduan natin?" sagot ni Dee-Lan, "Ang nangyari kagabi ay parte lang sa napag-usapan nating we will just fill each other's gap. We both felt horny and what happened is just to fulfil each other's need."

"It was not just lust, Dee," nanghina si Shawn, "it was making love."

Bahagyang natawa si Dee-Lan saka sinabing, "Love? Do you even know what love is? 'Di ba iniwan mo ang fiancé mo sa araw ng kasal niyo dahil hindi ka masaya sa kanya? You were together for four years pero kaya mo siyang iwan ng ganun-ganun lang. How can you talk about love when we were just together for a very short time."

"Iba ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ka," saad ni Shawn, "I love being with you."

"Kaya gagawin mo ang lahat pati ang pagpapanggap na buntis ka?" mariing saad ni Dee-Lan, "hindi ko alam kung anong larong gusto mo, Shawn, pero sa oras na mapatunayan kong totoo ang hinala ko, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang pagsisinungaling mong 'to."

Hindi nakapagsalita si Shawn at dahil sa gulat, nahayaan niyang makalabas ng silid si Dee-Lan. Huminga siya ng malalim saka tumingin sa kesame. Ngayon lang siya nakaramdam ng kaba at takot, mga bagay na ni minsan ay hindi niya naramdaman noon. Pero wala siyang balak sumuko.

"I will make sure that I am better than Sarah," saad niya sa kanyang isip, "tama si Semira. Kailangan kong kilalanin si Sarah para malaman ko kung paano ko maagaw ang puso ni Dee-Lan mula sa kanya."

Agad niyang kinontak ang pinsang si Violet upang makahiram ng sasakyan. Kapatid ni Vivienne si Violet at dahil madalas itong bumibiyahe, laging nakatambay lang sa bahay ang sasakyan nito. Violet frequently visited her in Europe at tuwing mangyayari ito, she always accommodate her cousin with lavish treats kaya sigurado siyang hindi siya matatanggihan nito.

"OMG! Nasa Pilipinas ka?" hindi makapaniwalang saad ni Violet nang tawagan niya, "kalian ka lang dito? Alam mo bang halos mabaliw na ang mga magulang mo sa kakahanap sa'yo?"

"Shh, huwag mong ipagsabi na nandito ako," sagot ni Shawn.

"Pero anong ginagawa mo dito?" tanong ni Violet, "teka, kaya pala nasa Pilipinas si Evo."

"I know. Nagkita na kami," saad ni Shawn.

"So alam mo na rin ang kumakalat na balita?" tanong ni Violet, "alam mo na ban a may nabuntis 'yang ex-fiance mo dito sa Pilipinas?"

"Really?" she sounds more excited than shock.

"Ibang klase ka talaga," saad ni Violet, "hindi ka man lang nainis?"

"Bakit ako maiinis?" saad ni Shawn, "I left him on our wedding day, wala akong karapatang magalit."

"So ganun na lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Violet.

FlirtationshipWhere stories live. Discover now