MPFTS8.2

719 14 0
                                    

(JanePOV)

Pag dating ko sa kwarto namin nila lian sakto inaayos na nila ang kwarto binuhat ko yung bag ko mabigat ito marami kasing laman eh

"Jane"

tinawag ako ni jasmine habang nakangit sya at binubuhat din ang kanyang malaking bag

"bakit?"

tanong ko dito

"amm wala lang hahaha"

sabay tawa naisip ko baliw na sya

bumaba na kami sa hotel lahat kami ready na nakaporma na ang lahat ready na kaming lahat para sa byahe sana maingat ang byahe namin na ito

pinakuha ni lian sa mga boys yung mga tent tapos mga pagkain namin

naghihintay lang kami sa baba at naghihintay na din ng bangka mahirap sumakay marami din kasing bakasyonista sa lugar na iyon

"ang tagal naman"

reklamo ni lian na bakas sa mukha ang pagkainis

"oo nga eh"

sagot ko sa kanya sabay ngiti

"ang tagal na nga nakangiti ka pa"

tanong nito habang sinusuot ang salamin nya

"sorry"

sabay kamot sa pisngi ko

di nagtagal dumating na din yung sasakyan namin grabe mga isang oras na din kami mahigit naghihintay salamat at dumating na yung bangkang ito dalawa ang sinakyan naming bangka yung isa sa amin nila steven,tristan,lian,jasmine at ako tapos sa kabila si patrick,pablo, ryan, at sammy at yung ibang gamit namin

"ang ganda ng tanawin ang linaw ng dagat"

pagkakasabi ko sa kanilang lahat

lumapit sa tabi ko si tristan

"kaya nga ei ang sarap ng simoy ng hangin look jane tignan mo yung isla na iyon hugis pagong na parang natutulog"

sagot ni tristan na halata ang ngiti sa kanyang labi

"oo nga ui nay dolphin doon oh!!"

nakita ko ang mga dolphin na parang nagkakarerahan sa paglangoy may malaki may maliit ang cute nilang tignan

si lian ay nakahiga lang sa duyan oo may duyan ang bangka na sinasakyan namin ngayon si jasmine naman naka headset siguro nakikinig sya ng music hobby nya kasi yung music na iyan

si steven naman parang malalim ang iniisip nakatingingin sya sa mga tanawin na magaganda

matagal tagal ang naging byahe namin siguro 4 hours din itong byahe namin hinihipo ko ang tubig sa dagat wala na rin akong balak magsalita kasi tahimik lahat si tristan din ay biglang tumahimik

di ko namalayan naka iglip pala ako pagkagising ko yung ulo ko nasa balikat ni tristan

"nakaiglip pala ako"

sabay hikab

"kanina pa mukhang pagod ka ata eh"

pagkakasabi ng mahina ni tristan na inalalayan ang ulo ko

"salamat huh pinahiga mo ako sa balikat mo"

"no problem basta ikaw"

ano daw basta ako

"ano?"

tanong ko sa kanya na nagtataka

"aah wala"

tapos tinakpan nya ng kamay nya ang bibig nya tinignan ko si steven nakatingin sya sa akin nagkatitigan kami pero ako ang unang umiwas sa titig nya nahihiya kasi ako

"ayan na ayan na"

sabay turo ni lian sa isang isla na napakaganda

"ano yun lian"

tanong ni jasmine dito habang tinatangal nya ang headset nya

"yung isla luna"

sabay tingin nya sa amin

timayo kaming lahat para tignan itoyehey malapit na kami dito

"mag ayos na kayo"

utos nya sa amin

""sige"

sigaw ko dito

super excited na ako sa overnight namin dito medyo tanghali pa naman kaya makakapag swimming pa kami

hanggang nakaraying na kami sa isla na iyon

"wow puro ang buhangin"

sigaw ni sammy sa amin habang hinahawakan ang buhangin

hinawakan ko din ito puro nga ang ganda apakan kaya hinubad ko yung tsinelas ko

nag ayos muna kami ng mga tent namin at yung payong na malaki di ko kasi alam yung tawag sa payong na iyon

"libot muna tayo"

aya sa akin ni jasmine

"tinatamad ako ayusin muna natin yung mga gamit at tent natin mamayang hapon na lang"

sabay ngiti sa kanya

"okay maligo na lang tayo"

"sige"

dali dali kaming nagbihis ni jasmine inaya din namin lahat sila kaya nag bihis na kaming lahat ako ang hulong nagbihis pagkalabas ko sa tent na pinagbihisan ko lahat sila nakatingin sa akin

"anong problema"

tanong ko sa kanila

at bigla silang tumawang lahat

pumunta sa akin si jasmine at kinausap nya ako

"best ang baduy ng suot mo"

ano badoy daw ang suot ko

"anung masama dito"

tanong ko sa kanya

ang suot ko ay yung short ng kapatid ko at yung sando ko

"tara nga dito aayusan kita"

sabay hila sa akin ni jasmine kumuha sya ng maikling short sa bag nya pinasuot nya sa akin iyon at itionaas nya yung sando ko hanggang pusod yung taas nya nito

"anu ba yan nakakailang ito"

sabi ko sa kanya binaba ko din yung sando

"best bagay sayo"

inangat nya ulit yung sando ko tapos hinila nya ako palabas

pagkalabas ko lahat sila nakatingin na sa akin.

——————-


My Princess From The Squater [EDITTING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon