Chapter 5

16.8K 367 6
                                    

Chapter Five

“What the…” Namilog ang mata ko, hindi ko inaasahan na madatnan ang kay daming tao sa labas ng condominium kung saan ako nakatira. Well, hindi naman siguro makapagtaka kung sakali mga fans ko iyon pero may mga reporters din!  Para kasing nagkakagulo eh. Kakauwi ko lang galing sa pagbakasyon ko sa resort. Kasama ko din si Cedric pero tahimik lang na nakaupo sa likod.

Tumunog ang cellphone ko na ngayon ko lang napansin na parang umuusok na iyon dahil kanina pa pala ring ng ring iyon. Galing kay Gaia iyon.  “Manong wag itigil niyo po muna dito ang taxi.” Tumalima naman iyong driver, agad na sinagot ko ang tawag. “Hello?”

“This is serious, Maxine!” Wala sa oras na tinakpan ko iyong tainga ko sa lakas ng boses ni Gaia.

“Ano ba ang nangyari? Nawala lang ako ng ilang araw ay napakadami naman tao dito?”

“What? Nandiyan ka na sa condo mo? Alam na ba nila na nandiyan ka na?”

“Nope. Nandito pa kami ni Cedric sa loob ng taxi.”

“Good. Huwag kang dadaan sa entrance kundi doon sa likod ng condo.”

“Anong problema?” I was still oblivious what was happening.

“Gusto mo malaman? Hindi ka ba nanood ng tv? Oh nevermind. May kumalat kasing picture ninyo ni Cedric, usap-usapan na baka may relasyon kayo! Alam mo ba ang ibig sabihin niyon?”

Seriously, inaasahan ko na balang araw ay dadagsaan ako ng mga tao sa ganitong sitwasyon pero hindi ko inaasahan na magkakaroon ng misunderstanding dito! Pero in fairness okay lang kasi si Cedric naman iyong lalaki eh!

“Why are you looking at me like that?”

Ay naku! Nahuli pala niya akong nakatitig sa kanya. Nginitian ko na lang siya bilang sagot tas kinuasap si Gaia sa kabilang linya. “Gaia, wala naman problema doon di ba?”

“Anong wala?! Tingnan mo nga 'yong picture niyong dalawa! Teka, e-send ko lang sa'yo.” Pinatay niya ang linya tas nag-send ng picture. Namilog ang mata ko na nilingon si Cedric.

“What?”

“Oh my gosh! Oh my gosh! Cedric! This is so horrible!!!”

Nagtataka na inagaw niya ang cellphone ko na ikinaasim ng mukha niya. Grabe naman parang nakakita ng hindi kaaya-aya. “Anong problema nito?”

“Seriously, hindi mo alam?” Segunda ko. Malaki itong problema. Dahil dadagsain ako ng madaming reporters tungkol dito.

“Uh. I forgot sikat ka pala kaya malaking issue iyang picture na iyan. Kung gusto mo I could ask someone to delete all the picture na iyan na nakakalat sa internet. At pwede ko din patahimikin ang media.” Wow, believe na ako sa kanya. Siguro napaka-impluwensya ng agency na tinatrabuhan niya kaya kampante lang ito.

Umayos ako sa pagkaupo. “No. Huwag na.”

“Seriously? You hired me to protect you at kasama na din ito sa trabaho ko.”

“Are you kidding me? Ayoko nga.”

“Ang gulo mo.”

“Aba, kung ganito naman iisipin ng mga tao dito sa buong pinas na may relasyon tayo then why not? I really don’t mind at all, isa pa hassle lang iyan. Hehe!” Masama na tiningnan niya ako pero binigyan ko lang siya ng peace sign.

“Then why the heck are you hysterically?”

Napakamot ako. “Eh tingnan mo nga maigi iyang picture na iyan! Hindi close up iyong picture natin!”

Midnight Embrace ( COMPLETED+5 SAMPLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon