Part 6: tickets

400 8 16
                                    

Part 6: tickets

3rd person POV

*ding dong*

Naalimpungatan ang binata sa malakas na tunog. Hindi siya bumangon at itinaklob ang ang kumot sa ulo niya upang mabawasan ang naririnig

*Ding ! DONG!  Dingdong dingdong*

hindi parin tumigil ang ingay, umikot siya sa kabilang direksyon ng kama at tila nakapulupot na sa kanay ang kumot.... kaya naasar siya

"ALEX !!!!!!"

.................................................................

...........................................................................

.....................................................................................

walang sumagot sa binata kundi ang katahimikan.. Umupo na siya sa kama kahit na sarado pa ang mga mata niya at wala pang balak bumukas

Nalala niyang hindi pala umuwi ang kapatid niya dahil makikisleep over daw ito at mamayang hapon pa ang dating. Wala siyang magawa kundi pagbuksan kung sino man ang maingay na nagdodorbell.

Sinumulan na niyang lumakad patungo sa pinto. Ni hindi niya nga sinuklay o inilam man lang kung may natuyo bang laway sa gilid ng labi niya. Basta ang alam niya wala siyang muta

mga ilang hakbang ay inabot niya na ang pinto at binuksan ito

"Jules ! goodmorning,  makikikain ako! " 

O_O

isinara bigla ng binata ang pintuan at dalidaling bumalik sa kwarto niya upang magbihis ng damit. Pano ba naman kasi nakasanayan na niyang matulog ng topless o kaya sando lang na ang kapareho ng shorts niyang malambot.

'Ano ginagawa niya dito ng ganitong oras?' tanong niya sa sarili habang pabalik sa pintuan 

binuksan niya ito at isang dalagang pinapahaba ang nguso ang nakita niya

" Oh? bakit ka naka nguso? " tanong ni Jules habang kinusot pa ang mata

"Sarahan daw ba ako ?! " kinurot ng dalaga ang tagiliran ni Jules at dumiretso sa loob ng condo

"Nagugutom ako Julian... may pagkain ba kayo? "

bumugtong hininga ang binata at tinuro ang direksyon kung nasaan ang kusina. Kahit na gustong gusto pa niyang matulog ay wala na rin naman siyang magagawa dahil pumasok na ang dalaga at mukha talagang disidido itong makikain

Umalis na ang dalaga papuntang kusina at sinabing " Wala namang pagkain dito eh ! puro hilaw !! "

"Magluto ka " sagot ni Jules, umupo siya sa sofa at nag unat-unat. Napatingin siya sa kalendaryo sa tabi ng bintana, 'Sabado pala ngayon'.. Naisip niyang walang magawa ang dalaga dahil weekend ngayon at iyon ang dahilan kung bakit may naamoy siyang mabaho na bagay.. parang sunog. 

'Sunog?'  napatakbo siya sa kusina ng makita niya ang itim na usok

" Sleeping beauty ! " Isinara niya ang kalan at dinala ang kawaling naglalabas ng mabahong usok sa hugasan. tinira niya ng tingin ang dalaga

"Bakit hindi mo sinabing hindi ka marunong magluto?!"

"syempre sabi mo kasi magluto ako tyaka.... hindi ka nagtanong" diretsong sagot ni sleeping beauty sa kanya. Tama naman ang dalaga dahil kasalanan talaga ni Jules iyon kasi hindi siya nagtanong.. Halos lahat kasi ng babaeng kilala niya tulad ng kapatid niyang si Alex at ang Tiya niya ay marunong magluto kahit cheesedog lang

Dancer My LovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon