Prologue

2.9K 87 35
                                    



✽ ✽ ✽ ✽ ✽ ✽



PROLOGUE



"Alam mong kailangan na natin ang anak mo, Oberon." sabi ng isa sa mga Elders for the nth time.



Pero hindi siya pinakinggan ni Oberon at tumingin sa labas ng palasyo niya.



"Oberon, ikaw ang hari at alam kong alam mo na kailangan itong mangyari!" hindi na napigilan ng matanda ang pagtaas ng boses niya.


Tumahimik ang mga natitira sa Elders Council. Kahit pangalawa lang sila sa mga kataas-taasan pagdating sa rankings ng mga katulad nilang nilalang, nakakatakot pa din kapag nagalit ang mga matatandang ito.



Bumuntong-hininga ang matanda pero nanatili pa ring nakatingin sa labas ang hari – si Oberon.



May mali na sa kalangitan nila ngayon.



Masyado nang naglalapit ang maliwanag na kalangitan sa madilim na kalangitan.



Unti-unti nang nawawala ang dalawang kulay na pumapagitan sa mga ito - ang kulay ng panahong Spring at Autumn.


Pero kitang-kita kung aling kulay ang nagiging dominante. Ang madilim na kulay. Ang malamig na panahon. Winter. 


Konting-konti na lang at paniguradong masasakop na ng Winter ang buong kalangitan - ang kanilang buong kaharian.


They really do need her.


Huminga ng malalim ang isang Elder at lumapit sa hari, "I know that you're thinking about your wife. And I know that you're trying not to break the promise you had with her."




Yumuko ang hari pero nagpatuloy pa rin sa pagsasalita ang matanda, "But you need to know why they.." minotion ng matanda ang kamay niya sa lugar sa labas ng palasyo, "..made you as the King. You need to protect them."




Huminga ng malalim si Oberon at dahan-dahang tumango.




Ngumiti naman ang matanda at tiningnan ang mga kasama niya sa council na nagsasabing kailangan muna nilang lumabas.




Nagtanguhan naman ang natitirang mga matatanda at lumabas na sa kwarto ng hari.


Nang nagsara na ang pinto, hindi na napigilan ng hari ang panginginig ng kanyang katawan. 




"H-hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sa kanya.." tumingin siya sa matandang kasama niya – sa ina niya.




"Natatakot akong harapin ang sarili kong anak. I already failed as a husband, and I'm just as scared to fail as a father."




Niyakap ng matanda ang kanyang nag-iisang anak. Who would have thought that a King can have this kind of fear?




"Shh.." tumingin ang matanda sa malaking bilog na crystal at doon lumabas ang imahe ng isang babae na nasa ibang uri ng pamumuhay – ang pamumuhay na hindi para sa kanya.



"You will never fail as a father. You have always been watching over her, right? You're trying, son, and I'm proud of you." tumingin siya sa anak niya at nag-attempt na pasayahin ang sitwasyon. Tumingala siya at muling pinagmasdan ang langit. "We need her. Siya na lang sa uri nila ang natitirang may kaya pa . We need to get her. We need to bring back our Summer."



✽ ✽ ✽ ✽ ✽ ✽


Video trailer at the side!!! :-))) Tell me what you think! 

Vote & Comment ✽

Chasing Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon