Chapter 15: Leaving.

2.7K 91 21
                                    

Chapter 15: Leaving.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon. Humarap siya sa akin at ngumiti, isang ngiti na nagpakalma sa buong sistema ko.

"Hey." ngumiti din ako sa kanya.

"Bakit ka nandito? Alam mo ba na nandito kami?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Oo, alam ko." lumapit pa siya sa akin. Ngayon ay nasa harapan ko na talaga siya.

"Pero bakit nandito ka? Kelan ka pumunta dito?" natawa siya sa mga tanong na ibinabato ko sa kanya. Nakakapagtaka naman kasi talaga na nandito siya.

"Ngayon lang ako dumating, actually kanina pala." sagot niya pero hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko kung bakit siya nandito.

"Hindi mo naman sinasagot 'yong una kong tanong e." tumawa siya.

"Kailangan ko pa bang sagutin 'yon?" tinignan ko siya nang masama.

"Kaya ko nga tinanong e!" tumawa siyang muli pero agad ding tumigil at tinitigan ako.

"Nandito ako para sa'yo." sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Tumawa ako para matakpan ang pamumula ng pisngi ko.

"Nakakaloka ka."

"I'm serious." napatigil ako sa pagtawa noong narinig ko ang tono ng boses niya. Tinignan ko siya.

"Bakit?" ngumiti siya at dahan-dahang lumapit sa akin. He then again slowly wrapped his arms around my waist and hug me. Nagulat ako sa sudden action niya pero hindi ko rin naman siya tinulak. God knows how much I wanted to feel his warmth again.

"Gusto lang kitang makasama." tumatalon ang puso ko at napupuno ng butterflies ang tyan ko. Niyakap ko rin naman siya pabalik. Aaminin ko, hiniling ko na sana pumunta siya dito para makasama ko siya. I thought it was just a wishful thinking but I was wrong because here he is, standing infront of me, hugging me.

"Ang corny mo." bumitaw siya at ngumiti sa akin.

"Tara? Samahan mo kong panoorin ang mga bituin?" nakangiti niyang yaya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti na din.

Umupo kami sa buhangin habang nakatingin sa langit. Naririnig ko din ang tilian noong isang grupo ng kabataan sa hindi kalayuan sa amin habang nagsuswimming sila. Narinig kong bumuntong-hininga si Kevin sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"May problema ba?" hindi siya sumagot. Nakakakaba ang biglaan niyang pagbuntong-hininga at ang ekspresyon sa mukha niya ngayon na para bang may bumabagabag sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya, "Kevin." tinignan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya sabay tingin sa akin.

"May isang bagay pa akong gustong sabihin sa'yo kaya ako pumunta dito." tumango ako.

OURS (Nerdy Princess♥♥ Book 4) *Her Story* [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon