Chapter 12: In one room.

3.5K 105 19
                                    

*Chapter 12: In one room.*

Lumipas ang mga araw at gaya noon ay wala namang bagong nangyari. Pagkatapos no'ng nangyari kala Mandy at Luis ay pumasok pa rin si Mandy kinabukasan at pinagpatuloy ang pagsasaya sa Foundation Week. Nagtaka pa kami dahil para bang walang nangyari pero hindi na namin siya tinanong dahil baka sinusubukan niyang magpakatatag matapos ang nangyari.

Huling araw na ngayon ng program at mamayang gabi ay magpe-perform ako at ang Angelus para opisyal akong ipakilala sa buong campus. Kinakabahan ako kanina pa pero dina-divert ko ang atensyon ko sa ibang bagay, gaya na lang ngayon na heto ko, nasa may booth namin at tinutulungan sila na ayusin ang mga nasisirang gamit dahil sa mga estudyanteng pumapasok dito. Hindi ko duty dahil no'ng nakaraan pa natapos ang duty ko pero mas gugustuhin kong may ginagawa kaysa wala dahil mas maiisip ko lang ang mangyayari mamayang gabi. Sila Megan ay iniwan na lang ako dito at naglibot-libot. Tanghali pa lang at last day na ng program pero hanggang ngayon ay marami pa ring tao. Lalo na siguro mamayang gabi dahil na din sa fireworks na magaganap habang nagpe-perform ang Angelus.

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Charity, kaklase namin, habang nag-aayos ng mga dapat ayusin no'ng biglang may humatak sa akin at piniringan ako. Dahil sa gulat ko sa nangyari ay hindi ako agad nakapag-react sa ginawa nila, "what the hell?" iyan lamang ang nasabi ko. May narinig akong tawanan sa likod ko. Tatanggalin ko sana ang piring no'ng biglang may kumuha sa kamay ko at pinosasan naman ngayon, "hey! Ano ba ito? Pakawalan niyo nga ako!" sigaw ko.

"Sorry, Miss Lexie. Ginagawa lang namin ang trabaho namin dahil madaming nag-request nito sa amin." narinig kong sabi no'ng lalaki sa likod ko. Nabosesan ko naman siya agad, "Kit!?" si Kit na dati kong kaklase na gumawa no'ng dare namin noon ni Kevin. Tumawa siyang muli, "wow! Nabosesan mo pa ako?"

Natawa din ako, "damn you. Ano ba ito? Tsaka anong klaseng request ang sinasabi mo? Kindly explain it to me?" nakangiti pero nagtataka kong tanong, "Can't tell you. Basta sumunod ka na lang dahil kahit na anong pagpiglas mo, hindi ka pa rin namin papakawalan." nararamdaman kong nakangiting-aso si Kit habang sinasabi iyon. Bumuntong-hininga ako, "okay fine! Whatever." may humawak sa akin sa magkabilang braso at naglakad na kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at lalong hindi ko din alam kung anong klaseng booth ang itinayo ng klase ni Kit.

Bumaba kami ng bumaba at naglakad ng naglakad at hindi ko alam kung saan ba kami papunta. Tuwing tinatanong ko naman sila kung saan kami pupunta ay hindi nila ako sinasagot. Ano ba naman ito! Sumasakit na iyong mata ko dahil sa piring.

Lumipas ang ilang minuto at sa wakas ay tumigil na kami. Pinaupo nila ako saglit tapos ilang saglit lang ay may naririnig akong naglalakad ulit papalapit sa amin at may ingay din akong naririnig, "get your fucking hands off me." kung posibleng manlaki ang mga mata habang nakapiring ay maaaring iyon na ang nangyayari sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at para bang napako nanaman ako sa kinauupuan ko. No. No. This can't be happening. Iyong lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Kit!" mariin pero pabulong kong sabi, "bakit?" tanong naman niya, "ano ba talaga itong pinaplano niyo ha?!" tumawa lang siya tapos ay pinatayo ako. Tinanggal nila ang posas pero hindi nila pinapakawalan ang dalawang kamay ko. Akala ko ay papalayain na niya ako pero naramdaman ko ang lalaki na nasa tabi ko at naramdaman ko nanaman ang malamig na bagay sa kanang pulso ko. Pinoposasan nanaman nila ako or let me say, kaming dalawa. Narinig kong mahinang nagmumura ang lalaki sa tabi ko samantalang ako ay halos hindi na makakilos. I can smell his faint perfume and I am very familiar to his scent. Napalunok ako.

Narinig kong bumukas ang pintuan sa harapan namin at marahan kaming itulak sa loob. May nakahawak sa dalawa kong kamay at alam kong mayroon din sa katabi ko, para siguro hindi namin matanggal agad ang piring. May naririnig akong hagikgikan sa labas. May mga babae rin pala silang kasama, sabagay buong klase nga pala ito, "Kit! Ano ba talaga ito!?" lakas-loob kong sigaw sa kanila. Naramdaman kong nagulat ang lalaki sa tabi ko pero hindi ko na lang iyon pinansin.

OURS (Nerdy Princess♥♥ Book 4) *Her Story* [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon