II

24 3 0
                                    

Kinaumagahan pag pasok ko sa classroom namin, nakita ko agad sina Sophie at Kaye. Early birds kasi yun.

Nakita ko rin si Theo kausap si Daniel at Koby. Siguro tungkol nanaman yun sa basketball game nila.

Kinwento namin ni Sophie kay Kaye yung tungkol sa GC na sinalihan namin nila Theo kasi open minded naman sya. Tsaka walang hilig sa ganun kasi di sya mahilig sa flings o sa kung ano man kaya okay lang sya ng okay kapag magkkwento kami. Kung magkwentuhan pa naman kaming tatlo, parang di nagsama sama kahapon eh.

"Pero Rian, di ka ba nabother dun sa chat ni Anne kagabi sa gc natin?" Tanong ni Kaye

"Actually, nabother ako. Pero kasalanan din naman namin kasi kami lang nagkakaintindihan tas dun pa namin pinagusapan. Atsaka, di naman ata yun magseselos kasi magkaibigan naman kami AT tinutulungan ko sila ni Theo."

"Sabagay. Pero you know, may tendency na magselos. Ex nya eh." Sabi ni Sophie

"Correction: Ex MU lang." Sabat naman ni Kaye at nagsimula nanaman sila mag kontrahan.

Pabalik na sana ako sa upuan ko pero tinawag ako ni Theo dun sa dulo kaya tinanong ko kung bakit.

"Tingnan mo tong babae na nagchat sakin. Galing din to dun sa gc na sinalihan natin kagabi."

Pakabasa ko nung convo nila, biglang nanlaki mata ko tsaka natawa rin ako kasi di ko kinaya, grabe yung landi lines ni ate!

"Ang landi naman nyan, di ko kinaya! HAHAHAHA"

"Sht oo nga HAHAHA! Sinasakyan ko na nga lang"

"Nako baka san makarating yan! HAHA"

"Oy ahhh. hindi, hindi po ako ganun" at nag peace sign pa sya.

"Di ako maka get over! HAHA. Pag usapan natin mamaya, may prof na kami eh"

Pakaalis ni Theo, saktong pumasok yung prof namin na wala naman ibang pinagawa kundi ang mag activity.

Nung matapos ko yung pinapagawa samin, bigla ako napatingin kay Sophie kasi okay lang naman mag labas ng cellphone pero kapag nagtetext sya, yung tipong nakatago sa bag pa.

"Huuy!" Pag tapik ko sakanya

"Ay puke!!--" halos magpigil kaming lahat ng tawa. Kaso nga lang mukhang hindi sya swerte ngayon kasi narinig nung prof namin yung sinabi nya.

"Ms. Bernido, what was that??" Tanong ni Prof. Berces kay Sophie.

"Uhmm. S-sorry po Prof. I was just.. just shocked. That's why. I'm sorry." Sagot naman nya

"Is it necessary to say something like that??"

Nung wala pang maisip na sagot si Sophie, pasimple pang tumingin sakin sabay sabi ng "tangina mo" WAHAHAHA

"No po. I'm sorry." Sagot nya at pinaupo na sya.

"Sophie, ano ba kasi tinatago mo? Tinapik lang kita nagulat ka na agad" pagtatanong ko pero pigil parin ang tawa

"W-wala! Bwisit ka. Pahamak ka eh alam mo yon?"

"Hahahahahaha! Sorry na. Malay ko ba"

FondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon