Thirty Five

5.1K 106 14
                                    

Beatriz

After I dropped Maki and Cel off, I went back sa dorm. Hindi ko alam kung nasa dorm na ba si Jho because hindi siya nagrereply sa mga messages ko since lunch.

Well I guess she's too busy with tita and Jaja kaya I didn't mind it na lang.

I got off my car and was about to reply to mom's text when I noticed Jho, tita Lovel and Jaja na mukhang kakadating lang din from their bonding.

Hindi nila ako napansin kaya binilisan ko na lang ang lakad ko palapit sa kanila nang biglang lumingon si Jaja sa direction ko.

I smiled at her pero bigla siyang umiwas ng tingin at kinausap si Jho.

Uh okay? That was weird?

Agad na lumingon sa akin si Jho. Para siyang nakakita ng multo?

Anong meron? There's something wrong ba sa akin? Last time I checked maayos pa naman ang itsura ko?

Pagkalingon ni Jho ay sumunod naman sa paglingon si tita Lovel. She smiled widely when she saw me.

"Bea!" masaya niyang sabi na parang hindi kami nagkita this morning.

"Hi tita." Nagbeso ako sa kanya. "How was your bonding? Did you had fun?"

"Masaya naman kahit medyo natraffic kanina." natatawa niyang sabi. "Sayang sana sumama ka samin."

"Next time tita I will."

Because next time po I'll make sure I'm your daughters girlfriend already 😆

"Oo nga pala. Wag na kayo bumili ng dinner ni Jho. Madami kaming tinake out." Tinuro ni tita yung hawak na paperbag ni Jho. "Yan na lang kainin nyo. Wala ka naman sigurong date ngayon?" tumatawa niyang sabi.

"Po?" pagtataka ko.

Ano raw? Date? What date?

"Ikaw Bea ha dapat alam mo pa rin ang priorities mo. Gaya nga ng lagi kong sinasabi kay Jhoana, okay lang magkaboyfriend pero dapat alam ang limitations."

Napatulala ako kay tita.

What the heck is she talking about?

I'm... lost?

I creased my forehead. "What are you talking about tita?"

"Balita ko kasi may nangliligaw na sayo." malambing niyang answer.

Natawa ako. But my laugh slowly died down when I fully realized what she said.

"I don't have manliligaw po." tumawa ako ng pilit.

Saan nanggaling yon?

Ako? May manliligaw? Who?

As far as I know, ako yata yung nangliligaw?

Tumingin ako kay Jho. Umiwas lang siya ng tingin.

"Etong si Bea talaga." humawak sa right arm ko si tita at hinimas yon ng marahan. "Parang pangalawang mama mo na rin ako kaya hindi ka dapat mahiya sabihin sa akin kung may nangliligaw sayo."

"Ma." biglang sabat ni Jaja na parang sinasaway ang mama niya.

What the fuck is going on?!

Anong mangliligaw?

Ang pagkakaalam ko wala ako non!

Ngumiti si tita sa akin. "Sinabi na sa akin ni Jhoana na may nangliligaw na sayo, kaya okay lang."

Sinabi ni Jho?

Teka! Bakit naman sasabihin ni Jho na may nangliligaw sa akin?!

Why would she do that?

If Our Love Is WrongWhere stories live. Discover now